Liza Soberano, napuri ni Dyosa Pockoh: "Sa totoo lang, mabait naman ang batang 'to"

Liza Soberano, napuri ni Dyosa Pockoh: "Sa totoo lang, mabait naman ang batang 'to"

- Napuri ni Dyosa Pockoh ang aktres at dating nakasama na si Liza Soberano

- Aniya, sa kabila umano ng kabi-kabilang pambabatikos kay Liza, masasabi niyang mabait ito

- Katunayan, may mga charity events daw umano si Liza na hindi na nito ibinabahagi sa social media

- Hangad din ni Dyosa na mapabuti si Liza sa umano'y bagong landas na tatahakin nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinahagi ni Dyosa Pockoh ang ilang mga larawang kuha sa charity event umano ni Liza Soberano.

Liza Soberano, napuri ni Dyosa Pockoh: "Sa totoo lang, mabait naman ang batang 'to"
Liza Soberano at Dyosa Pockoh
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na napuri ni Dyosa si Liza na nilarawan niyang mabait na bata.

"Sabe nga ni Liza Soberano. Tao lang tayo nagkakamali kase iba iba ang journey na ating pinagdadaanan. Sa totoo lang mabait naman ang batang to."

"In fact ako ang naghoHost ng charity events nya na di nya pinopost in public," giit ni Dyosa.

Read also

Cristy sa umano'y 'road to GMA' nina James at Liza: "Di maganda ang puhunan mo ay ka-negahan"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Aminado rin ang komedyante na siya naawa siya sa naging kalagayan ni Liza mula nang lumabas ang 'This is me' na vlog nito

"Naawa ako sa kanya sa uncut version ng interview nya kay tito boy kung saan magpasalamat at huminge sya ng sorry sa abs cbn kay tito ogie at kay ken. Kase huli n napakita kung kelan nabash sya bongga!"

Gayunpaman, hiling pa rin ni Dyosa na mapabuti umano ang career ni Liza na panibagong tinatahak nitong landas.

"Goodluck Liza Hope Soberano sa buhay na iyong tatahakin"

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

Si Liza Soberano ay isang aktres sa Pilipinas na ngayo'y sumusubok ng kanyang kapalaran sa Hollywood. Dati siyang alaga ng talent manager na si Ogie Diaz at ngayon, nasa pangangalaga na siya nina James Reid sa ilalim ng Careless Management.

Read also

Cristy sa 'Careless': "Mamumuhunan ba kayo kung walang pangalan si Liza?"

Samantala, si Dyosa Pockoh ay isang komedyante na unang nakilala sa kanyang makukulit na short video sa social media. Sa ngayon, isa na rin siya sa mga talent ni Ogie Diaz.

Kamakailan ay Naging kontrobersyal ang inilabas na video ni Liza Soberano sa kanyang YouTube channel. Ito ay upang ibulalas niya ang sarili sa kung ano na nga ba ang nangyayari at nangyari sa kanya buhat nang matapos ang kontrata niya sa dating manager.

Samantala, sa naturang interview ni Bea kay Liza, isa sa mga naibunyag dito ay ang pelikulang Hello, Love, Goodbye na unang inalok sa kanila ni Enrique Gil. Muntik na rin umanong makatambal ni Enrique si Kathryn sa nasabing pelikula hanggang sa napunta na nga ang role kay Alden Richards.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel