Lars Pacheco sa isyu tungkol sa pagkapanalo niya: "Pinaghirapan ko po tong korona ko"

Lars Pacheco sa isyu tungkol sa pagkapanalo niya: "Pinaghirapan ko po tong korona ko"

- Naglabas si Lars Pacheco ng kanyang saloobin kaugnay sa intrigang pinupukol sa kanya matapos niyang koronahan bilang Miss International Queen Philippines 2023

- Sa vlog ni Aiko Melendez, minabuti niyang humingi ng dispensa kung may nasabi man siyang hindi maganda at nakasakit siya ng ibang tao

- Gayunpaman, aniya ay pinaghirapan niya ang napanalunan niyang korona

- Kamakailan ay nag-trending ang video ng pakikipagsagutan niya sa isa pang kasamahan kung saan nabanggit na binili daw niya ang korona

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naging emosyonal si Lars Pacheco nang magbigay siya ng mensahe sa gitna ng mga isyung pinupukol sa kanya kasunod ng pagkapanalo niya sa Miss International Queen Philippines 2023. Sa panayam sa kanya ni Aiko Melendez, nilinaw niyang pinaghirapan niya ang kanyang korona.

Lars Pacheco sa isyu tungkol sa pagkapanalo niya: "Pinaghirapan ko po tong korona ko"
Lars Pacheco sa isyu tungkol sa pagkapanalo niya: "Pinaghirapan ko po tong korona ko" (@pachecolars)
Source: Instagram

Minabuti na lang din niyang humingi ng dispensa kung may nasabi siyang hindi maganda at may nasaktan siyang tao.

Read also

Nadine Lustre, nagbahagi ng panibagong vlog kasama ang kanyang boyfriend

Sumang-ayon naman si Aiko na pinaghirapan ni Lars ang koronang nakamit niya sa pangalawang beses na pagsali niya sa naturang pageant.

Payo niya kay Lars, mas lawakan na lang niya ang kanyang pang-unawa para sa mga taong hindi gaanong masaya sa kanyang pagkapanalo.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nakatakda siyang lumaban sa Miss International Queen sa Thailand ngayong Hunyo.

Nakilala si Lars Pacheco nang sumali siya sa Ms. Q & A. kung saan tinanghal na grand winner si Juliana Parizcova Segovia. Tinanghal naman si Lars na 2nd runner-up sa Miss Q & A 2018.

Matatandaang humingi ng dispensa si Lars matapos ang kanyang kontrobersiyal na wardrobe malfunction sa live telecast ng It's Showtime noong October 25, 2019. Nagsalita si Lars tungkol sa nangyaring wardrobe malfunction sa kanya sa Live telecast ng noontime show matapos mag-trending sa social media ang 'di sinasadyang paglabas ng kanyang dibdib habang kinakanta ang opening song. Nanuna nang humingi ng paumanhin si Vice Ganda sa buong pangyayari at nagpaliwanag na hindi nila ginusto ang buong pangyayari.

Read also

Rufa Mae Quinto, tinuruan ni Herlene Budol ng Pasarela

Binahagi ni Lars ang kanyang pagsasailalim sa gender reassignment surgery sa Thailand. Sa kanyang social media posts, binahagi niya ang video mula sa kanyang check up hanggang sa kanyang paghahanda sa surgery. Sumailalim siya sa gender reassignment surgery sa Kamol Cosmetic Hospital na mamatagpuan sa Bangkok, Thailand.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate