Nadine Lustre, nagbahagi ng panibagong vlog kasama ang kanyang boyfriend

Nadine Lustre, nagbahagi ng panibagong vlog kasama ang kanyang boyfriend

- Nagbahagi si Nadine Lustre ng panibagong vlog sa kanyang YouTube channel na pinamagatang 'A Cute Weekend'

- Base sa kanyang caption, hinamon daw siya ng kanyang team na siya mismo ang kumuha ng video para sa kanyang vlog

- Makikita sa kanyang vlog ang simpleng buhay ni Nadine kasama ang boyfriend niyang si Christopher Bariou

- Sa kabila ng pagkakabanggit sa pangalan niya kaugnay sa ex boyfriend niyang si James Reid at Issa Pressman, walang nilalabas na pahayag si Nadine kaugnay dito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbahagi si Nadine Lustre ng bagong vlog kung saan pinakita niya ang simpleng buhay niya kasama ang kanyang boyfriend na si Christopher Bariou. Sa kabila ng pag-trend ng kanyang pangalan nitong mga nagdaang araw, walang nilalabas na pahayag si Nadine kaugnay sa ex boyfriend niyang si James Reid at Issa Pressman.

Read also

Issa Pressman, ibinida ang baby picture ni James Reid sa pagdiriwang ng kaarawan nito

Nadine Lustre, nagbahagi ng panibagong vlog kasama ang kanyang boyfriend
Nadine Lustre, nagbahagi ng panibagong vlog kasama ang kanyang boyfriend (@nadine)
Source: Instagram

Base sa kanyang caption, hinamon daw siya ng kanyang team na siya mismo ang kumuha ng video para sa kanyang vlog. Aniya, sa tingin niya ay maayos naman niyang nagawa ang hamon.

Kamakailan lang si Nadine nag-umpisa sa paggawa ng vlogs matapos niyang gumawa ng sarili niyang YouTube channel.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Nadine Lustre ay isang aktres, product endorser at recording artist. Siya ang kapareha ni James Reid sa ilang pelikula at teleserye. Kilala ang kanilang tambalan sa bansag na JaDine. Gayunpaman, inamin ng magkasintahan na hiwalay na sila noong January, 2020.

Para kay Nadine Lustre, nakakalokang tsismis daw tungkol sa kanya ay palagi na lang siyang buntis. Aniya, nagtataka siya na taon-taon na lang siyang nababalitang buntis gayong hindi naman daw iyon totoo. Dagdag pa niya hindi niya itatago sa publiko kung sakali mang mangyari na magbuntis siya. Pabiro din niyang sinabi na hindi siya buntis taon-taon kagaya ng palaging nagiging haka-haka.

Magkasama sina James Reid at Issa Pressman na nanood ng concert ni Harry Styles kamakailan. Sa unang pagkakataon ay nagbahagi si Issa ng picture nilang magkasama na tila magkahawak-kamay. Si James din ay nagbahagi ng pictures at video kung saan makikitang kasama niya nga si Issa. Kahit walang pag-amin ay umani ng mga komento ang post nilang dalawa lalo at kinailangang ipagtanggol noon ni Yassi Pressman ang kapatid nang maiugnay kay James

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel