Issa Pressman, ibinida ang baby picture ni James Reid sa pagdiriwang ng kaarawan nito

Issa Pressman, ibinida ang baby picture ni James Reid sa pagdiriwang ng kaarawan nito

- Ibinida ni Issa Pressman ang baby picture ng boyfriend niyang si James Reid

- Ito ay bilang paggunita niya sa kaarawan ni James na nagdiwang ng kanyang ika-31 na kaarawan nitong May 11

- Makikita sa naturang picture na mayroong green na slime sa ulo si James at kinaaliwan ang reaksiyon nito

- Inulan naman ng pagbati si James sa naturang post ng kanyang kasintahan

Sa pagdiriwang ng kaarawan ni James Reid nitong May 11, ibinahagi ni Yssa Pressman ang isang nakakatuwang throwback photo ng kanyang boyfriend.

Issa Pressman, ibinida ang baby picture ni James Reid sa pagdiriwang ng kaarawan nito
Issa Pressman, ibinida ang baby picture ni James Reid sa pagdiriwang ng kaarawan nito
Source: Instagram

Sa kanyang post sa social media, ipinakita ni Yssa ang isang baby picture ni James, na mayroong green na slime sa kanyang ulo. Sa larawan, makikita ang nakatutuwang reaksiyon ni James, na tila ba masaya sa kanyang green na "hairstyle".

Binati ni Yssa ang ang aktor sa pamamagitan ng pagbabahagi ng espesyal na sandali mula sa kanyang kabataan. Hindi lang ito nagbigay ng aliw sa mga tagasubaybay, kundi nagpapakita rin ng malalim na pagmamahal at pag-aalaga ni Yssa kay James.

Read also

KC Concepcion, ibinahagi ang top 10 gifts mula sa inang si Sharon Cuneta

ilang tugon sa naturang post, inulan naman ng pagbati si James mula sa kanyang mga kaibigan, pamilya, at mga tagahanga.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si James Reid ay isang Filipino - Australian actor. Una siyang nakilala bilang isa sa mga housemates ng Pinoy Big Brother: Teen Clash kung saan siya ang tinanghal na big winner noong 2010. Nakilala ang tambalan nila ng kanyang dating nobya na si Nadine Lustre bilang "JaDine." Matatandaang Enero ng taong 2020 nang aminin nina James at Nadine na hiwalay na sila. Gayunpaman, nanatili umano silang magkaibigan kaya ilang beses din silang namataang magkasama kahit hiwalay na sila.

Magkasama sina James at Issa na nanood ng concert ni Harry Styles kamakailan. Sa unang pagkakataon ay nagbahagi si Issa ng picture nilang magkasama na tila magkahawak-kamay. Si James din ay nagbahagi ng pictures at video kung saan makikitang kasama niya nga si Issa. Kahit walang pag-amin ay umani ng mga komento ang post nilang dalawa lalo at kinailangang ipagtanggol noon ni Yassi Pressman ang kapatid nang maiugnay kay James.

Read also

Alex Gonzaga, nag-ala 'Ms Rachel' para mapasaya ang pamangking si Polly

Nagbahagi naman si Yassi Pressman ng makahulugang mensahe sa kanyang Instagram stories sa gitna ng kinasasangkutang kontrobersiya ng kanyang kapatid. Hindi nito diretsahang sinabi na patungkol sa isyu ng kanyang kapatid ang sinabi niyang dapat abangang "2 sides of a story". Sa pag-viral ng picture ng kapatid niyang si Issa kasama si James Reid, naungkat ang ginawang pagtatanggol ni Yassi noon sa kapatid. Ito ay sa kasagsagan ng pagkakadawit noon kay Issa sa hiwalayang James at Nadine Lustre.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel