Maja Salvador, usap-usapan dahil sa reaksiyon niya sa "franchise joke" ni Joey de Leon
- Nangiti lamang si Maja Salvador sa biro ni Joey de Leon kaugnay sa prangkisa sa "Bawal Judgemental" segment ng Eat Bulaga
- Ipaliwanag ng CEO at National Director ng Miss International Queen Philippines na sila ang may kauna-unahang prangkisa sa naturang pageant na para sa mga transgender
- Matapos sabihin ni Joey na "Buti pa kayo may prangkisa" hindi napigilan ng ibang kasamahan nila na matawa
- Agad namang sinabi ni Jose na marami daw bus company na nawalan ng prangkisa
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Usap-usapan si Maja Salvador matapos mapansin ng mga netizens ang naging reaksiyon nito nang magbiro si Joey de Leon tungkol sa prangkisa. May mga nagsabing mukhang hindi komportable si Maja sa naturang biro.
Sa March 8, 2023 episode ng Eat Bulaga, naging kalahok sa mga pagpipilian ang mga professional Trans Beauty Queens. Ipaliwanag ng CEO at National Director ng Miss International Queen Philippines na sila ang may kauna-unahang prangkisa sa naturang pageant na para sa mga transgender.
Pagkatapos niyang magpaliwanag ay nagbiro si Joey na buti pa daw sila may prangkisa. Hindi naman napigilang matawa ng ibang kasamahan nila ngunit nangiti lamang si Maja at medyo tumagilid na tila kinukubli ang mukha.
Agad namang sinabi ni Jose na marami daw bus company na nawalan ng prangkisa.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Agad na umani ng mga reaksiyon ang naturang biro ni Joey. Sa Twitter ay marami ang naghayag ng kanilang mga opinyon.
Hindi ginagawang biro o katatawanan ang pagkawala ng trabaho ng 11,000 empleyado. Ang pagkawala ng prangkisa ay pagkawala din ng hanapbuhay.
Naawa Naman ako para Kay Maja at sa mga nawalan ng trabaho na Hindi pa nakakakita ng bagong trabaho
Ang bait ni Maja kahit na dabarkads na Siya iniisip niya parin mga kapamilya pinapakita niya parin pagiging loyal niya at pag tanaw niya nang utang na loob
Si Maja Salvador ay isang aktres, performer, recording artist at product endorser. Sumikat siya dahil sa kanyang husay sa pag-arte at pagsayaw. Sa katunayan binansagan siyang Queen of the dance floor.
Noong Oktubre nang nakaraang taon, extended ang birthday celebration ni Maja sa Eat Bulaga. Sinurpresa siya ng kanyang mga Eat Bulaga Dabarkads gayundin ng kanyang best friend na si Pooh at kapatid na si Jessie na naki-hataw sa kanya sa stage. Hindi rin inaasahan ni Maja ang birthday message sa kanya ng kanyang Mommy Thelma. Inalala kasi nito ang dating pangarap lamang nila na makatuntong sa entablado ng Eat Bulaga at mapanood sa telebisyon.
Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Miles Ocampo ang kanyang picture kung saan nagpahiwatig siya ng panibagong simula. Kapansin-pansin din ang mga letrang CAN na naka-capitalize na nangangahulugang Crown Artist Management. Maging ang aktres na si Maja na kilalang may-ari ng naturang agency ay nagkomento sa Instagram post ni Miles. Matatandaang nauna na si John Lloyd Cruz na lumipat sa pangangalaga ng Crown Artist Management.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh