Vice Ganda, nag-launch ng comeback single na pinamagatang "Rampa"

Vice Ganda, nag-launch ng comeback single na pinamagatang "Rampa"

- Nag-launch si Vice Ganda ng kanyang bagong kanta na may pamagat na "Rampa"

- Ito ay kanyang ginawa ngayong Lunes sa pag-ere ng "It's Showtime" sa bago nitong timeslot na 12:00 noon

- Mapapakinggan ang dance track ng naturang single sa lahat ng digital streaming platforms

- Samantala, naka-upload naman sa Star Music YouTube channel ang lyrics video nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naglabas ng bagong single si Vice Ganda ngayong Lunes sa It's Showtime kasabay ng unang araw ng noontime show sa bago nitong timeslot. Mapapakinggan ang dance track ng single niyang pinamagatang "Rampa" sa lahat ng digital streaming platforms.

Vice Ganda, nag-launch ng comeback single na pinamagatang "Rampa"
Vice Ganda, nag-launch ng comeback single na pinamagatang "Rampa" (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Samantala, naka-upload naman sa Star Music YouTube channel ang lyrics video nito.

Narito ang ilan sa mga komento sa naturang lyrics video:

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Rose Vega, pinakita ang kanyang first trip papuntang Australia

Ganda ng music sarap isayaw sa umaga
Congrats xa bagong single mo na kantang RAMPA
While I was listening to this song, I just thought to wish that Vice Ganda and Maymay would collaborate.

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Read also

Lolit Solis sa bagong pahayag ni Lisa Soberano: "Para bang alam mo ang lahat"

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel