Lolit Solis sa bagong pahayag ni Lisa Soberano: "Para bang alam mo ang lahat"

Lolit Solis sa bagong pahayag ni Lisa Soberano: "Para bang alam mo ang lahat"

- Naglabas ng saloobin si Lolit Solis kaugnay sa bagong pahayag ni Liza Soberano sa isang kumakalat na video

- Kasama niya sa isang podcast ang South Korean singers na sina Ashley Choi at Peniel ng BTOB

- Sa naturang podcast ay binahagi ni Liza ang tungkol sa pagkakaroon ng love team sa Philippine showbiz

- Para kay Manay Lolit, parang sinisira ni Liza ang magandang career na nasimulan niya sa Pilipinas dahil sa kanyang mga sinasabi

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Lolit Solis, parang know it all ang dating ni Liza Soberano matapos nitong magsalita kaugnay sa love teams sa Philippine showbiz. Para kay Manay Lolit, parang sinisira ni Liza ang magandang career na nasimulan niya sa Pilipinas dahil sa kanyang mga sinasabi.

olit Solis sa bagong pahayag ni Lisa Soberano: "Para bang alam mo ang lahat"
Lolit Solis sa bagong pahayag ni Lisa Soberano: "Para bang alam mo ang lahat" (@lizasoberano)
Source: Instagram

Sa kumakalat na video ay kasama ni Liza sa isang podcast ang South Korean singers na sina Ashley Choi at Peniel ng BTOB. Dito ay nabanggit niya na kailangang maging love team sila sa harap man o sa likod ng camera.

Read also

Ryan Bang, naiyak nang ibahagi kay Vice Ganda na may girlfriend na siya

Para kay Manay Lolit, pwede naman daw niyang ituloy ang kanyang pangarap nang walang issue na sinasabi.

Puwede naman ituloy niya pangarap niya ng walang sinasabi, walang iwanan issue. Basta lang mag try siya at sana biglain na lang ang lahat pag nagkaruon siya ng Hollywood project. Hindi gaya ngayon na naging nega siya dahil sa mga sinasabi niya. Mahirap talaga pag ganyan para bang alam mo ang lahat, wala ka pang napapatunayan pero ang yabang mo ng magbigay ng komento. Hindi si Liza lang ang sumubok mag Hollywood dream, marami na at lahat nabigo. Sana para maiba, magtagumpay si Liza Soberano, at maging successful ang tunay niyang pangalan na HOPE, hoping for the best, bongga✌#ctto #classiclolita

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Hope Elizabeth Soberano, o mas kilala bilang si Liza Soberano, ay pinanganak sa Santa Clara, California. Filipino ang ama ni Liza habang American naman ang kanyang ina. Namataan si Liza ng isang talent scout noong siya ay 13 years old palang at pinakilala sa manager niya ngayon na si Ogie Diaz.

Read also

Tyronia Fowler, sinabing sana ay si Vince na lang ang kanyang ama

Samantala, naging usap-usapan din ang ginawang makeup transformation ni Patrick Starrr kay Liza sa kanyang binahaging video. Kamakailan ay nagkasama sina Liza at Patrick sa isa sa kanyang vlogs. Sa naturang video na umabot sa 16 minuto, beauty queen makeup transformation ang ginawa ni Patrick. Marami sa mga netizens ang namangha sa "Miss Universe" transformation ni Liza.

Ayon sa ama ni Liza, pinalaki lang ng mga tao ang isyu kaugnay sa sinabi ni Liza. Sa panayam sa kanya ni MJ Marfori, sinabi niyang dapat ay panuoring muli ang sinabi ni Liza at intindihin ang sinabi ng kanyang anak. Matatandaang umani ng mga reaksiyon hindi lang mula sa mga nakatrabaho niya kundi maging mula sa netizens ang kanyang naging pahayag. Kaugnay ito sa kagustuhan niyang magawa ang sarili niyang desisyon pagdating sa kanyang career.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel