Tyronia Fowler, sinabing sana ay si Vince na lang ang kanyang ama

Tyronia Fowler, sinabing sana ay si Vince na lang ang kanyang ama

- Binahagi ni Toni Fowler sa bagong vlog niya ang pagtatampo ni Tyronia Fowler sa kanyang ama

- Gusto daw niya sanang makita ang kanyang mga kapatid sa ama pero may dahilan daw na binigay ang tatay niya kaya hindi niya nakasama ang mga kapatid

- Ani Toni, nagtatampo si Tyronia dahil pakiramdam daw niya ay bumalik lang ito para iwanan lang daw siya uli

- Nakwento din daw ni Vince Flores na umiyak daw si Tyronia sa kanya at nagsabing sana si Vince na lang ang ama niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Toni Fowler sa bagong vlog niya ang pagtatampo ni Tyronia Fowler sa kanyang ama. Ani Toni, nagtatampo si Tyronia dahil pakiramdam daw niya ay bumalik lang ito para iwanan lang daw siya uli.

Read also

Xander Arizala, gusto raw kasuhan si Christian Merck Grey sa ginawa sa kanya

Tyronia Fowler, sinabing sana ay si Vince na lang ang kanyang ama
Tyronia Fowler, sinabing sana ay si Vince na lang ang kanyang ama (@titovinceflores)
Source: Instagram

Nakwento din ni Vince na umiyak daw sa kanya si Tyronia at nagsabing sana ay si Vince na lang ang tatay niya.

Hindi naman pinilit nina Toni at Vince si Tyronia na kausapin si Tatay Elon nang sa wakas ay dinala nila ni Nanay Venus ang mga kapatid ni Tyronia.

Paliwanag ni Toni, dadating din ang oras na magiging okay din ang lahat at ayaw niya daw pangunahan ang nararamdaman ng kanyang anak.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Read also

Toni Fowler, binati ng Happy Father's Day si Tatay Elon: "Sent na yung sustento"

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel