Xander Arizala, gusto raw kasuhan si Christian Merck Grey sa ginawa sa kanya

Xander Arizala, gusto raw kasuhan si Christian Merck Grey sa ginawa sa kanya

- Nag-post si Xander Arizala ng video matapos ang ilang araw na pananahimik kasunod ng pagkatalo niya kay Christian Merck Grey sa kanilang boxing match sa Battle of the YouTubers

- Aniya, kaya hindi siya nakapag-post ng ilang araw ay dahil nagkasakit daw siya

- Balak daw niyang magpa-medico legal dahil gusto niyang kasuhan si Merck sa ginawa daw nito sa kanya

- Pinasalamatan naman niya ang kanyang partner na si Gena Mago sa pag-aalaga nito sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Zander Arizala, balak niyang magpa-medico legal dahil gusto daw niyang kasuhan si Christian Merck Grey. Kulang pa daw yung mga binayad ni Merck sa kanya sa mga ginawa nito sa kanya.

Xander Arizala, gusto raw kasuhan si Christian Merck Grey sa ginawa sa kanya
Xander Arizala, gusto raw kasuhan si Christian Merck Grey sa ginawa sa kanya (Xan Der Arizala)
Source: Facebook

Dagdag pa niya, nabalian siya matapos ang laban nila ni Merck. Hindi raw sila nakapagpacheck up dahil umuwi sila nang diretso sa bahay nila.

Read also

Toni Fowler, binati ng Happy Father's Day si Tatay Elon: "Sent na yung sustento"

Aniya, dinaya siya nina MG at Merck dahil pinalaban siya kahit hindi siya professional.

Sobra-sobrang pandadaya yung ginawa nyo sa akin. Yung ginawa niyo sa akin na pinalaro niyo ako dun sa gitna ng boxing ring kahit hindi ako professional. Sana wala nang gantong mangyari sa ibang tao.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pinasalamatan naman niya ang kanyang partner na si Gena Mago sa pag-aalaga nito sa kanya.

Nakilala din si Marlou Arizala bilang si Xander Ford sa social media. Pinalitan ang kanyang pangalan matapos ang kanyang kontrobersiyal na make over. Gayunpaman, matapos ang mga kontrobersiyang kanyang kinasangkutan ay tuluyan na siyang binitawan ng management na tumulong sa kanyang make-over.

Kamakailan ay naglabas ng saloobin si Xander sa kanyang Instagram stories. Kaugnay ito sa aniya'y mga taong kanyang inimbitahan sa binyag ng kanyang anak. Hindi daw sila sumipot sa binyag at ikinadismaya ni Xander at kahit presensiya lang daw sana ng mga taong ito para sa kanyang anak ay ayos na sa kanya. Hindi naman na binanggit ni Xander kung sino ang kanyang tinutukoy na mga tao.

Read also

Toni Fowler sa awayang Merck at Xander: "Wala namang throwbackan ng picture"

Matatandaang pinangalanan ni Xander si Merck bilang yung taong kanyang tinutukoy sa kanyang post. Aniya, pinangakuan umano siya nito kaya pinapabayaran niya ang P349K na umano ay pinangako nito sa kanya. Dagdag pa niya, kung alam nila ay hindi na muna sana daw sila nagpabinyag. Humingi din siya ng tulong sa kanyang mga kaibigan na aniya ay makuha ang pinaglalaban niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel