Toni Fowler sa awayang Merck at Xander: "Wala namang throwbackan ng picture"

Toni Fowler sa awayang Merck at Xander: "Wala namang throwbackan ng picture"

- Kinaaliwan ang hirit ni Toni Fowler habang nagsasalita sa laban nina Xander Ford at Christian Merck Grey kamakailan

- Aniya, okay lang na mag-away ang dalawa pero aniya, sana daw ay walang throwbackan ng picture niya na kalbo pa siya

- Matatandaang sa naunang laban nina Xander at Merck ay sa basketball at nanalo noon si Xander

- Sa katatapos lang nilang laban sa boxing ay si Merck naman ang tinanghal na panalo matapos niyang ma-knock down si Xander

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hirit ni Toni Fowler, okay lang daw na mag-away sina Xander Ford at Christian Merck Grey. Pero aniya ay sana wala namang throwbackan ng picture niya na kalbo siya.

Toni Fowler sa awayang Merck at Xander: "Wala namang throwbackan ng picture"
Toni Fowler sa awayang Merck at Xander: "Wala namang throwbackan ng picture"
Source: Instagram

Ang tinutukoy nito ay ang mga panahong nagkaharap sina Xander at Merck at naglaban sa basketball. Kung noon ay nanalo si Xander, ngayon ay si Merck naman ang nanalo sa kanilang boxing match matapos niyang ma-knock down si Xander.

Read also

Rendon Labador kay Toni Fowler: "Akala mo lang plastic ako kasi gawa ka sa plastic"

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel