Zeinab Harake at Rosmar Tan, trending matapos magkasagutan sa social media

Zeinab Harake at Rosmar Tan, trending matapos magkasagutan sa social media

- Usap-usapan sina Rosmar Tan at Zeinab Harake matapos ilabas ni Rosmar ang screenshot ng reaksiyon ni Zeinab sa costume niya nitong katatapos lang na concert para sa brand niya

- Sa naturang screenshot ay makikita ang pinagtabing picture nina Rosmar at ng Brilliant skin CEO na si Glenda Victorio suot ang halos magkaparehas na design na gown

- Makikita sa screenshot na natawa si Zeinab sa naturang picture at hindi naman niya iyon pinagkaila

- Nagkomento siya sa mismong post ni Rosmar at sinagot naman din ito ni Rosmar

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Usap-usapan ang sagutan nina Zeinab Harake at Rosmar Tan matapos i-post ni Rosmar ang screenshot ng reaksiyon ni Zeinab sa pinagtabing picture nina Rosmar at ng Brilliant skin CEO na si Glenda Victorio suot ang halos magkaparehas na design na gown. Hindi naman pinagkaila ni Zeinab na natawa talaga siya.

Read also

Julius Babao, nagpahayag ng saloobin tungkol sa pagpapasalamat sa nakaraan

Zeinab Harake at Rosmar Tan, trending matapos magkasagutan
Zeinab Harake at Rosmar Tan, trending matapos magkasagutan (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Sa mismong post ni Rosmar ay nagkomento si Zeinab na kung saan sinabi niyang natawa talaga siya. Aniya, wala naman silang masamang sinabi para sabihing masama sila sa kanilang pagtawa.

May masama bang nasabe jan para masabe nyong masama kami agad? Sa totoo lang tayo mga be wag kayo nagagalit di ako nagagalit pag ako yung pinag tatawanan nyo ha kaya kalma mwa.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sinagot naman ito ni Rosmar at binalikan kung gaano daw niya iniidolo si Zeinab.

Idol pa naman kita. Naaalala ko pa nung kailangan mo ng props sa vlog mo, nag tricycle pa ako sa recto para mag hanap ng mga kuneho. Dahil gusto ko dalhin sayo para makapag papicture man lang ako sayo.

Matatandaang bahagi si Zeinab sa naging concert din para sa brand naman ng Brilliant Skin.

Read also

Ogie Diaz, sinubukang kumbinsihin si Liza Soberano sa PH adaptation ng 'It's Okay to Not Be Okay'

Si Zeinab Harake ay isa sa pinakakilalang social media influencer at YouTube content creator sa bansa na mayroong milyon-milyong subscribers. Matatandaang naging kontrobersiyal ang relasyon nila ng rapper na si Skusta Clee. Nabiyayaan sila ng isang anak ngunit tuluyan na silang naghiwalay.

Matatandaang matapos lumabas ang video ni Wilbert Tolentino ay dumipensa si Zeinab sa mga nilabas na screenshot ni Wilbert laban sa kanya. Ani Zeinab, cropped ang mga nilabas na conversation ni Wilbert kaya hindi umano nailabas ang kabuuan ng kanyang sinabi. Inisa-isa niyang nilinaw ang mga nilabas na screenshot ni Wilbert na umano ay mga nasabi niya laban sa mga sikat na vloggers. Hiling naman ni Zeinab na tigilan na lang ang gulo at huwag na siyang ididikit sa grupo nina Wilbert para matapos na ang gulo.

Nilinaw naman ni Zeinab na bago siya nag-live sa Facebook ay tinawagan niya ang mga taong nadawit sa video na nilabas ni Wilbert. Kinausap at nilinaw niya umano sa mga taong nasangkot ang tungkol sa mga lumabas na screenshot na ayon sa kanya ay kulang na dahil cropped umano ang mga ito. Kabilang sina Ivana Alawi at Alex Gonzaga sa kanyang mga tinawagan kaugnay dito at nagkaintindihan umano sila. Maging sa kanyang video ay humingi si Zeinab ng dispensa sa mga taong nadamay pa umano.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel