Anne Curtis, binahagi ang 2012 vs 2024 picture niya suot ang parehas na shirt
- Bumilib si Anne Curtis sa husay ng netizens matapos mahalungkat ng ilan sa kanyang fans ang video clip noong 2014
- Parehas ang suot niyang pangtaas at ayon sa mga fans ay pamilyar daw ang kanyang damit
- Ayon kay Anne, matagal na talaga sa kanya ang t-shirt niyang iyon na may smiley
- Ibinahagi niya din ang collage ng picture niya na kuha noong 2012 at 2024
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Humanga si Anne Curtis sa mga netizens na nahalungkat pa ang kanyang mga lumang pictures na kung saan suot niya ang t-shirt na suot niya kanina sa It's Showtime. Ayon kay Anne, matagal na talaga sa kanya ang t-shirt niyang iyon.
Grabe!!! Insane that you found this!!! Yes! I’ve had this top FOREVER!
May mga picture pa niya na kuha noong 2012 at 2014 at nakita iyon ng netizens kaya naman, napahanga si Anne.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
ANG galing galing nyo.
Ibinahagi niya din ang collage ng picture niya na kuha noong 2012 at 2024. Aniya ang pinagkaiba ay nagkaanak na siya .
Difference is - a baby came out of that tummy na! Awww
Si Anne Curtis Smith- Heussaff ay isang aktres, TV host, recording artist, commercial model at product endorser. Kabilang sa mga sumikat niyang mga teleserye ay Kampanerang Kuba, Dyosa at Mars Ravelo's Dyesebel.
Matapos ang pamamalagi sa Australia dahil sa kanyang panganganak at dahil na rin sa pandemya, Pebrero lamang ng kasalukuyang taon umuwi ang mag-anak. Kamakailan lang ay nagbakasyon sa Boracay sina Anne kasama ang anak na si Dahlia at si Solenn Heussaff kasama naman si Thylane. Naging usap-usapan ang mga litrato ni Anne na kuha sa tabing dagat.
Matatandaang marami ang naaliw sa binahaging video ni Erwan sa kanyang Instagram post. Ito umano ang inihanda sana nilang sorpresa ng anak niyang si Dahlia Amelie Heussaff para sa Mother's Day video nila para kay Anne. Ani Erwan, kakanta sana silang mag-ama ngunit hindi nila iyon natapos dahil sa pangungulit ng anak. Hindi naman napigilan ni Erwan na matawa sa anak at maging ang mga netizens ay aliw na aliw sa cute at bibong anak nila Anne at Erwan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh