Rica Peralejo sa nagsabing mapagpanggap siya: "Sana magka-peace ka"

Rica Peralejo sa nagsabing mapagpanggap siya: "Sana magka-peace ka"

- Sinagot ni Rica Peralejo ang isang netizen na nagkomento sa kanyang TikTok video

- Ayon sa TikTok user na ito, si Rica daw ang pinaka-pretentious na Christian at 'believer kuno'

- Ani Rica, naniniwala siya na darating ang panahon na lalabas naman kung ano ang totoo

- Aniya, sana ay magkaroon ng kapayapaan at mawala ang galit sa puso nito

Minabuti ni Rica Peralejo na sagutin ang isang netizen na nagsabing si Rica daw ay 'most pretentious Christian believer kuno.' Ani Rica, nawa ay magkaroon ng kapayapaan at mawala ang galit sa puso nito.

Rica Peralejo sa nagsabing mapagpanggap siya: "Sana magka-peace ka"
Rica Peralejo sa nagsabing mapagpanggap siya: "Sana magka-peace ka"
Source: Instagram

Sa isang TikTok video ni Rica ay halos positibo naman ang komento. Gayunpaman, itong isang netizen na nagkomento ay sinabihan si Rica na mapagpanggap daw siya.

Sagot naman ni Rica, naniniwala siya na darating ang panahon na lalabas naman kung ano ang totoo.

The confidence I hold even when there are those who choose to believe the worst of me is that time shall tell what is true. So meanwhile sana magkapeace ka and mawala na anger in you

Read also

Ogie D, nalamang split na muli umano sina Paulo at Janine ayon sa source: "Sana hindi totoo"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Rica Peralejo sa nagsabing mapagpanggap siya: "Sana magka-peace ka"
Rica Peralejo sa nagsabing mapagpanggap siya: "Sana magka-peace ka"
Source: TikTok

Si Rica Peralejo ay unang nakilala nang maging bahagi ng "Ang TV." Kabilang ang mga palabas na Gimik at Oka Tokat, Mula sa Puso, Marinella, Kay Tagal Kang Hinintay, Sineserye Presents: Palimos ng Pag-ibig, Sa Piling Mo at Pangarap na Bituin sa mga ginawa niyang TV projects. Iniwan ni Rica ang pag-aartista upang matutukan ang kanyang pamilya nang ikasal siya sa mister na si Joseph Bonifacio. Biniyayaan sila ng dalawang anak na lalaki.

Isa sa pinagpapasalamat umano ni Rica sa taong 2021 ay ang natanggap nilang bagong sasakyan lalo na at dumating umano ito sa panahong kailangan ng kanilang pamilya. Hindi na binanggit ni Rica kung kanino ito galing ngunit aniya ay ikukuwento niya ito sa susunod niyang mga vlog. Hindi naman maitago ng kanilang mga anak ang saya sa pagkakaroon nila ng bagong sasakyan lalo na ang kanilang panganay. Ani Rica, matagal na panahon din silang walang bagong sasakyan at akala umano nilang mag-asawa ay mabubulok na lang sa kanila ang sasakyan nila bago sila magkaroon ng bago.

Read also

Xian Gaza sa kanyang fiancée: "I thought marriage is just a paper, 'til I met you"

Pinakita ni Rica ang ilang bahagi ng kanyang bahay matapos niya itong ipa-renovate. Kabilang sa kanyang pinakita ay ang kanilang garahe at ang kanyang gym room. Aniya, dalawang taon ding inabot bago niya tuluyang maipakita ang bahay na kanyang pinarenovate. Nakatakda pa umano niyang ibahagi ang ilan pang bahagi ng kanilang pina-renovate na bahay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel