Nora Aunor, hindi pa nanunumbalik lakas ng pangangatawan

Nora Aunor, hindi pa nanunumbalik lakas ng pangangatawan

- Hindi pa nanunumbalik ang lakas ng pangangatawan ng Superstar na si Nora Aunor

- Sa programa ni Cristy Fermin ay nabanggit niya na hindi pa ito nakakabiyahe para sana sa gagawing pelikula

- Kaya naman, gagawan na lamang daw ng paraan ng produksiyon na magawa pa rin niya ang pelikula

- May cutoff na daw siya sa pag sho-shooting dahil ito ang payo ng kanyang doktor

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi pa masyadong bumalik ang lakas ni Nora Aunor. Sa programa ni Cristy Fermin ay nabanggit niya na hindi pa ito nakakabiyahe para sana sa gagawing pelikula.

Nora Aunor attends "Thy Womb" Premiere during The 69th Venice Film Festival at the Palazzo del Cinema on September 6, 2012 in Venice, Italy. (Photo by Dominique Charriau/WireImage)
Nora Aunor attends "Thy Womb" Premiere during The 69th Venice Film Festival at the Palazzo del Cinema on September 6, 2012 in Venice, Italy. (Photo by Dominique Charriau/WireImage)
Source: Getty Images

Kaya naman, gagawan na lamang daw ng paraan ng produksiyon na magawa pa rin niya ang pelikula lalo at marami raw ang nakaka-miss kay Nora na matagal na ring hindi nakagawa ng pelikula.

Read also

Valentine Rosales kay MJ Lastimosa: "Di siguro naintindihan English"

May cutoff na daw siya sa pag sho-shooting dahil ito ang payo ng kanyang doktor. Ani Nay Cristy, sana ay kayanin ng katawan niya at magawa ang kanyang pelikula nang maayos.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Nora Aunor o Nora Cabaltera Villamayor ay sumikat sa mundo ng showbiz hindi lamang sa husay niya sa pag-arte kundi maging sa kanyang pag-awit. Naging film producer na rin siya kinalaunan. Nakilala siya sa bansag na "Superstar" at isinusulong ng marami na maging National Artist.

Kamakailan ay inihayag ni Nora ang kanyang kasiyahan na nakasama niya ang kanyang mga anak at mga apo. Ito ay sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan kamakailan kasama ang mga taong malalapit sa kanya. Kabilang sina Matet at Ian De Leon sa mga nakasama niya sa kanilang simpleng selebrasyon. Aniya, halos limang araw silang nagkasama sa Bicol at lubos niyang pinagpasalamat na nakasama niya ang kanyang mahal sa buhay sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Read also

Vice Ganda sa mga nagli-lip read creators: "Syempre nakaka-offend sa part namin"

Nauna nang naiulat ng KAMI na nagkaayos na sina Matet at ang ina nitong si Nora matapos ang naging isyu kaugnay sa negosyo nila. Binahagi ni John Rendez ang video ng muling pagkikita ng mag-ina matapos imbitahin ni Nora si Matet sa birthday celebration ni John. Ayon pa sa kanya, nagkaayos na silang mag-ina at nagkausap sa telepono bago mag-bagong taon. Marami naman sa mga viewers at Noranians ang natuwa na makitang maayos ang relasyon ng mag-ina.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel