Pagtatagpo nina Matet de Leon at Nora Aunor, umantig sa mga netizens

Pagtatagpo nina Matet de Leon at Nora Aunor, umantig sa mga netizens

- Magkaayos na sina Matet de Leon at ang ina nitong si Nora Aunor matapos ang naging isyu kaugnay sa negosyo nila

- Binahagi ni John Rendez ang video ng muling pagkikita ng mag-ina matapos imbitahin ni Nora si Matet sa birthday celebration ni John

- Ayon pa sa kanya, nagkaayos na silang mag-ina at nagkausap sa telepono bago mag-bagong taon

- Marami naman sa mga viewers at Noranians ang natuwa na makitang maayos ang relasyon ng mag-ina

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagkitang muli sina Matet de Leon at Nora Aunor sa birthday celebration ni John Rendez. Binahagi ni John ang video ng muling pagkikita ng mag-ina matapos imbitahin ni Nora si Matet.

Nora Aunor attends "Thy Womb" Premiere during The 69th Venice Film Festival at the Palazzo del Cinema on September 6, 2012 in Venice, Italy. (Photo by Dominique Charriau/WireImage)
Nora Aunor attends "Thy Womb" Premiere during The 69th Venice Film Festival at the Palazzo del Cinema on September 6, 2012 in Venice, Italy. (Photo by Dominique Charriau/WireImage)
Source: Getty Images

Base sa nakalagay sa video ni John, nagkausap na umano ang mag-ina bago mag-bagong taon nang maunang mag-chat si Nora. Sumagot naman umano si Matet at kinalaunan ay nagkaayos na sa kanilang pag-uusap sa telepono.

Read also

Source ni Cristy Fermin, sinabing dalawa lang umano silang nanood ng My Teacher sa sinehan

Makikita sa video na kasama ni Matet ang bunsong anak niya nang salubungin sila ng kanyang mommy bago sila pumasok sa bahay kung saan ginaganap ang birthday celebration ni John.

Marami naman sa mga viewers at Noranians ang natuwa na makitang maayos ang relasyon ng mag-ina:

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nakakaiyak silang pagmasdan, pamilya ay pamilya ano't ano man ang mangyari Happy for both of them
Awww naiyak ako! Thank God at nagkaayos na sila! God Bless Ms Nora And Matet and the whole family!
Natural talaga may mga tampuhan ang ina at anak ako Rin ganito kami ng mga anak ko pero sandali lang kagaya nila Nora at matet hindi yan talaga mawawala sa ating buhay.

Samantala, nagsalita na rin si Matet kaugnay sa pag-aayos nila ng kanyang ina.

Read also

Nora Aunor at Matet De Leon, nagkaayos na ayon kay Cristy Fermin

Si Nora Aunor o Nora Cabaltera Villamayor ay sumikat sa mundo ng showbiz hindi lamang sa husay niya sa pag-arte kundi maging sa kanyang pag-awit. Naging film producer na rin siya kinalaunan. Nakilala siya sa bansag na "Superstar" at isinusulong ng marami na maging National Artist.

Samantala, nauna nang binuweltahan ni Lotlot de Leon ang isang netizen na nagkomento sa kanyang Instagram post kaugnay sa lumabas na balita at litrato na nagsasabing hindi siya kasama sa mga kapatid niya na pumunta sa kanilang inang si Nora Aunor. Ayon sa netizen na nagkomento, masyado na umanong tinitiis ni Lotlot ang ina gayong ito ang umampon sa kanya.

Kamakailan ay inihayag ni Nora ang kanyang kasiyahan na nakasama niya ang kanyang mga anak at mga apo. Ito ay sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan kamakailan kasama ang mga taong malalapit sa kanya. Kabilang sina Matet at Ian De Leon sa mga nakasama niya sa kanilang simpleng selebrasyon. Aniya, halos limang araw silang nagkasama sa Bicol at lubos niyang pinagpasalamat na nakasama niya ang kanyang mahal sa buhay sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel