Carla Abellana, sinabing wala na siyang galit kay Tom Rodriguez
- Naibahagi ni Carla Abellana na wala na siyang sama ng loob kay Tom Rodriguez
- Sa panayam sa kanya ni Boy Abunda ay naibahagi niyang kahit hindi naging maganda ang kanilang paghihiwalay ay napatawad na niya ito
- Aniya, napagtanto niyang kailangan niyang magpatawad dahil siya ang magbibitbit ng sama ng loob
- Nabanggit niyang naging sukdulan na ang galit niya kay Tom na humantong sa kanilang hiwalayan
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Ayon kay Carla Abellana, wala na siyang sama ng loob kay Tom Rodriguez. Sa panyam sa kanya ni Boy Abunda, inamin niyang napatawad na niya si Tom.

Source: Instagram
Aniya, para siya makapagpatawad ay kinailangan niyang patawarin ang kanyang sarili.
“For you to be able to forgive kailangan po ako Tito Boy, ang lagi kong sinasabi, I have to forgive myself first. So yes, I have. Wala man po sa hitsura, but I have”
Dagdag pa niya, mahirap magbitbit ng galit kaya aniya ay wala na siyang sama ng loob para kay Tom.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
“Galit, wala na po. Ang hirap pong magbitbit ng galit."
Sa naturang panayam ay naibahagi ni Carla nang pahapyaw na dumating sa sukdulan ang kanyang galit kay Tom kaya humantong sa hiwalayan ang kanilang pagsasama matapos lamang ng tatlong buwan mula nang sila ay ikasal.
Naging magkasintahan sila ng pitong taon bago magpakasal ngunit ayon kay Carla, wala sa tagal ang sukatan sa pagkilala sa isang tao.
Si Carla Abellana ay isang aktres, product endorser at commercial model. Anak siya ng aktor na si Rey "PJ" Abellana. Nakilala siya sa kanyang unang lead role sa remake ng Mexican telenovela na "Rosalinda" noong taong 2009.
Matatandaang sa post ni Tom Rodriguez sa Instagram, may ilang netizens ang napatanong tungkol sa totoong nangyari sa kanila ni Carla Abellana. Tinanong siya ng isang netizen kung bakit ito nanahimik tungkol sa isyu at sa kanyang sagot ay nabanggit niya ang tungkol sa gag order.
Sa pahayag ni Tom Rodriguez, nasabi niyang pinal na ang nilabas na divorce decree sa kasal nila ni Carla Abellana. Hangad niya umanong matupad ang birthday wish ni Carla na maging masaya na siya. Ayon kay Tom Rodriguez, tanggap niya na rin umano ang desisyon ni Carla kaya panahon na para mag-move forward siya at turuan ang sariling kalimutan ang aktres. Gayunpaman, iginiit niyang hindi niya napagbuhatan ng kamay si Carla.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh