Kris Aquino, pinuntahan ni Vice Gov. Mark Leviste sa Amerika
- Ibinahagi ni Vice Gov. Mark Leviste ang isang video kung saan makikita ang kanyang paglapit sa sasakyan ni Kris Aquino
- Kasalukuyang nasa Amerika si Kris dahil sa kanyang pagpapagamot ng kanyang autoimmune na sakit
- Sa video na binahagi ni Leviste ay makikitang si Bimby ang nagbukas ng pinto ng sasakyan
- Nang makita ni Leviste si Kris ay namutawi mula sa kanya ang mga salitang “Oh my God! You are so beautiful”
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Binahagi ni Batangas Vice Gov. Mark Leviste ang isang video ng pagkikita nila ni Kris Aquino. Nakalagay sa kanyang caption ang quote na "Distance is just a test to see how far love can travel".
Sa ibinahaging video ni Leviste, maririnig ang awiting “A Thousand Years” ni Christina Perri. Si Bimby naman ang kasama niya sa video na siyang nagbukas ng pinto ng sasakyan kung saan nakasakay si Kris.
Nang makita si Kris ay namutawi ang mga salitang “Oh my God! You are so beautiful” mula kay Leviste. Kapansin-pansin din ang ginamit niyang caption na kaparehas sa quote na ginamit ni Kris sa kanyang Instagram post kahapon.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Matatandaang nitong Enero ay binahagi niya din ang picture nila kung saan sinabi niyang nakasama niya si Kris sa unang araw ng taong 2023.
Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senador Ninoy Aquino. Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.
Naibahagi kamakailan ni Kris sa pamamagitan ng isang Instagram post ang update tungkol sa kanyang kalusugan. Aniya, sa kabila ng hindi inaasahan may scary red flag na lumabas sa kanyang lab result, naiyak siya ngunit aniya ay tama na iyon. Nanatili ang kanyang positibong pananaw sa kabila ng hindi inaasahang resulta dahil aniya kung sakali mang early detection umano yung red flag na iyon ay maituturoing niyang pinagpapala pa rin siya. Pinasalamatan niya ang lahat ng mga taong nagdasal para sa kanyang paggaling.
Sa post ni Kris para sa kanyang 52nd birthday ngayong February 14, naibahagi niya ang mensahe ng kanyang pasasalamat. Pinasalamatan niya ang aniya'y support system niya na kinabilangan ng kanyang dalawang anak, mga kaibigan at mahal sa buhay. Grateful din daw siya sa aniya'y "very determined man of his word" na nagbiyahe ng 13 oras papunta sa kanya para lang makasama siya sa kaarawan niya. Sa naturang Instagram post ay nabahagi niya rin na nakahanap na sila ng pansamantalang matitirahan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh