Cristy sa nalalapit na ending ng Darna: "Ito yung pinakawalang kadating-dating"

Cristy sa nalalapit na ending ng Darna: "Ito yung pinakawalang kadating-dating"

- Diretsahang naglabas ng pahayag si Cristy Fermin tungkol sa nalalapit na pagtatapos ng Darna

- Ito ay seryeng pinagbibidahan ni Jane De Leon, Janella Salvador at Joshua Garcia

- Aniya, sana'y si Janella Salvador na lamang umano ang ginawa nilang Darna

- Gayunpaman, pinakaaabangan na rin umano ng marami ang pagbabalik serye ni Coco Martin sa Batang Quiapo na papalit sa Darna

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbigay pahayag si Cristy Fermin sa nalalapit na pagtatapos ng Darna. Aniya, marami silang nakatatanggap na text na tila nagpapasalamat pa sa pagtatapos ng naturang serye.

Cristy sa nalalapit na ending ng Darna: "Ito yung pinakawalang kadating-dating"
Jane de Leon (@imjanedeleon)
Source: Instagram

"Sa lahat ng Darna ito yung pinaka ano, 'yung walang kadating-dating," ang tahasang nasabi ni Cristy.

Ayon pa kay Romel Chika, hindi umano naging kaabang-abang ang serye tulad ng inaasahan.

Dagdag pa niya, malaking bagay umano ang timing ng produksyon ng Darna. Nagkataong nawalan ng prangkisa ang ABS-CBN, subalit nangangailangan sila ng malaking pondo para sa ikagaganda ng programa.

Read also

Dina Bonnevie, nilinaw na okay sila ni Alex Gonzaga at wala siyang galit

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Ang mga effects chararat!" ani Romel.

"E si Jane nga, hindi naman kagalingang umarte. Hindi pa maayos yung pagkakamolde' nung produksyon. Anong mangyayari diyan," pag segunda naman ni Cristy sa kanya.

Hindi rin umano natuloy ang balak nilang si Regine Velasquez ang huling pasabog na panauhin ng serye. Agad umanong nagbigay ng schedule si Regine subalit hindi naman daw ito nagtugma sa schedule naman ni Jane.

"Alam mo ang mabuti pa, ang binihisan na lang ng Darna si Joshua. Kasi ang galing nung bata. Walang sakit ng ulo," pagbibiro ni Cristy gayung tila si Joshua ang talagang inaabangan ng publiko gabi-gabi.

"Sana pinagbaliktad na lang din. Sana itong si Janella na lang si Darna no?" dagdag pa nito.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Read also

Dina Bonnevie, itinangging pinagsisigawan noon si Alex Gonzaga

Patuloy na namamayagpag ang kilala at batikang Showbiz writer at reporter na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene sa loob at labas ng bansa.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez na mayroon nang halos 300,000 subscribers.

Sa naturang episode ng SNN, tinalakay din nina Cristy, Romel at Wendell ang tungkol sa naging pahayag ni Paolo Contis tungkol sa sustento niya sa mga anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel