Cristy Fermin, 'di naniniwala sa tsismis na hiwalay na sina Jinkee at Manny Pacquiao

Cristy Fermin, 'di naniniwala sa tsismis na hiwalay na sina Jinkee at Manny Pacquiao

- Sinusubok ngayon ng kontrobersiya ang mag-asawang Jinkee at Manny Pacquiao

- Isa na rito ang umano'y nauubos nang pera ng mag-asawa dahil umano sa tsismis na pagiging magastos ni Jinkee

- Nasagap din umano ni Cristy Fermin ang sinasabing utang ni Jinkee sa isang jewelry shop sa mga alahas na hindi pa raw nababayaran

- Gayunpaman, hindi naniniwala si Cristy Fermin sa mga isyung ito lalo na ang tsismis na hiwalay na ang maituturing na isa sa mga powerful couples ng bansa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tila pinupukol ngayon ng kabi-kabilang intriga ang mag-asawang sina Jinkee at dating senator Manny Pacquiao.

Cristy Fermin, 'di naniniwalang hiwalay na sina Jinkee at Manny Pacquiao
Jinkee Pacquiao (@jinkeepacquiao)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ilang mga tsismis di umano ang nasagap ni Cristy Fermin tungkol sa mag-asawa lalong-lalo na kay Jinkee na naging mitsa umano ng ng napapabalitang hiwalayan ng dalawa.

Read also

Cristy sa nalalapit na ending ng Darna: "Ito yung pinakawalang kadating-dating"

"Naubos daw po ang pera ng pambansang kamao dahil sa sobra raw pong paggastos ni Jinkee Pacquiao," ani Cristy sa pinakabagong episode ng Showbiz Now Na!

"Baon daw po sa utang sa isang jewelry shop si Jinkee Pacquiao... Ang balita, daang-daang milyon daw po ang utang ni Miss Jinkee Pacquiao dito sa tindahan na ito ng mga alahas," dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Maging si Senator Manny Pacquiao ay nahaharap din sa halos ganitong uri ng kontrobersiya dahil sa isa umanong bilyonaryo na nagbigay na ng earnest money sa bahay na binibenta ng mga Pacquiao subalit sa iba napagbili.

"Tapos, meron daw naghahabol kay Senator Manny Pacquiao na isang bilyonaryo na nagbigay ng isang earnest money sa binibenta nilang bahay sa Forbes park,"

"At nang matuloy nga ang bentahan nina Manny at Jinkee sa ibang tao, kinukuha na raw nung billionaire yung 500 million pesos na ibinaon na niya pero hindi na naibalik," ang umano'y nabalitaan ni Cristy.

Read also

Cristy, nasagap ang tsismis: "Baon daw po sa utang sa isang jewelry shop si Jinkee Pacquiao"

Gayunpaman, isa rin si Cristy na hindi naniniwalang hiwalay o mauuwi sa hiwalayan ang mag-asawang Pacquiao sa kabila ng sinasabing mga pagsubok nito ngayon.

"Ako hindi ako naniniwala. Tingin ko palang, kita ko e. 'Yung language of love. At hindi nila sasayangin itong tagumpay na ito para ngayon pa sila maglokohan," ani Cristy.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa kanilang YouTube channel na Showbiz Now Na!:

Patuloy na namamayagpag ang kilala at batikang Showbiz writer at reporter na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene sa loob at labas ng bansa.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez na mayroon nang mahigit 300,000 subscribers.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel