Cristy, nasagap ang tsismis: "Baon daw po sa utang sa isang jewelry shop si Jinkee Pacquiao"

Cristy, nasagap ang tsismis: "Baon daw po sa utang sa isang jewelry shop si Jinkee Pacquiao"

- Nabalitaan ni Cristy Fermin ang tsismis na malaki umano ang utang ni Jinkee Pacquiao sa isang jewelry shop

- Aniya, daan-daang milyong piso ang halaga ng mga alahas na 'di pa umano nababayaran ng misis ng boxing-senator

- Dahil dito, may mga nagsasabi na ito umano ang itinuturo na posibleng dahilan ng pagkakalabuan ng mag-asawa

- Bukod sa alahas, mayroon din umanong humahabol sa mag-asawa dahil sa naibigay na pera sa binebenta ng mga ito na bahay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tila labis na sinusubok ngayon ng intriga ang mag-asawang sina Jinkee at dating senator Manny Pacquiao.

Cristy Fermin: "Baon daw po sa utang sa isang jewelry shop si Jinkee Pacquiao"
Jinkee Pacquiao (@jinkeepacquiao)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na isa na rito ang nakarating na tsismis kay Cristy Fermin tungkol sa mga hindi pa umano nababayarang alahas ni Jinkee sa isang jewelry shop.

Read also

Cristy Fermin, 'di naniniwala sa tsismis na hiwalay na sina Jinkee at Manny Pacquiao

"Baon daw po sa utang sa isang jewelry shop si Jinkee Pacquiao... Ang balita, daang-daang milyon daw po ang utang ni Miss Jinkee Pacquiao dito sa tindahan na ito ng mga alahas," ani Cristy.

Ito raw umano ang isang dahilan bakit tila nasusubok ang kanilang pagsasama dahil sa pagiging magastos 'di umano ng misis ni 'Pacman.'

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Naubos daw po ang pera ng pambansang kamao dahil sa sobra raw pong paggastos ni Jinkee Pacquiao," dagdag pa ni Cristy.

Maliban kay Jinkee, pinupukol din ng intriga ang boxing-senator dahil sa umano'y pera ng isang bilyonaryong interesado na ibinibentang bahay sa Forbes park ng mag-asawa.

"Tapos, meron daw naghahabol kay Senator Manny Pacquiao na isang bilyonaryo na nagbigay ng isang earnest money sa binibenta nilang bahay sa Forbes park,"pahayag ni Cristy.

Read also

Lovely Abella, pinakilala sa publiko ang anak na si Liam Emmanuel

"At nang matuloy nga ang bentahan nina Manny at Jinkee sa ibang tao, kinukuha na raw nung billionaire yung 500 million pesos na ibinaon na niya pero hindi na naibalik," dagdag pa nito.

Gayunpaman, hindi rin naman daw basta umano naniniwala si Cristy lalo na at nakikita pa rin niya ang katatagan ng mag-asawa.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel niyang Showbiz Now Na!:

Patuloy na namamayagpag ang kilala at batikang Showbiz writer at reporter na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene sa loob at labas ng bansa.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez na mayroon nang halos 300,000 subscribers.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel