Pokwang, sinabing hindi naman sila kinasal ni Lee O'Brian: “Buti na lang"
- Sinagot ni Pokwang ang komento ng isang netizen sa kanyanmg Instagra, post
- Sa comment ng naturang netizen ay sinabi nito na mukhang nag-file na ng annulment si Pokwang
- Sagot naman ni Pokwang ay hindi naman sila ikinasal ni Lee O'Brian at aniya ay buti na lang
- Matatandaang sa panayam sa kanya ni Boy Abunda ay tahasan niyang sinabi na ayaw niya nang makipagbalikan kay Lee sa kabila ng kanyang pag-amin na umasa siya nung una na mabubuo pa sila
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Ayon kay Pokwang, hindi naman sila ikinasal ni Lee O'Brian. Ito ang kanyang tugon sa komento ng isang netizen na nagsabing mukhang nag-file na siya ng annulment.

Source: Instagram
Dinugtungan din niya ng "buti na lang" ang kanyang pahayag tungkol sa hindi nila pagpapakasal ni Lee.

Source: Instagram
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Sa naunang post niyang kung saan binahagi niya ang picture ni Malia kung saan apelyido na ni Pokwang ang nakalagay na apelyido ng anak nila ni Lee.
Si Pokwang o Marietta Subong o sa totoong buhay ay kilala bilang isang komedyante, TV host at performer. Naging bahagi siya ng ilang palabas kagaya ng Wowowee, Pilipinas Win na Win at Happy Yipee Yehey kung saan siya ay isa sa mga naging host. Ipinanganak niya si Francine Malia O'Brian sa Antipolo City noong January 18, 2018. Siya ang naging bunga ng pagmamahalan nila ng Amerikanong si Lee O'Brian.
Matatandaang kinumpirma ng malapit na kaibigan ni Pokwang na si Ogie Diaz ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Lee. Matagal na niya umanong alam ang tungkol dito ngunit bilang respeto kay Pokwang ay hindi niya ito nababanggit sa kanyang Showbiz Update. Gayunpaman, dahil lumabas na rin ang balita ay minabuti niyang linawin ang balita para hindi na rin umano magsanga-sanga ang isyu. November pa noong nakaraang taon umano nagkahiwalay ang dalawa at kasalukuyang nakatira sa bukod na bahay si Lee.
Nag-post si Lee ng picture ng kanyang anak na si Malia O'Brian sa gitna ng paglabas ng balita tungkol sa paghihiwalay nila ni Pokwang. Tinawag niyang angel ang kanyang anak na si Malia na kanyang pinasalamatan sa umano'y pagpapangiti nito sa kanya. Sa kabila ng kanilang paghihiwalay ay tuloy na nagbabahagi si Lee ng mga pictures nilang mag-ama na tumutugma sa pahayag ni Pokwang na nakakapunta si Lee sa kanila upang makasama ang anak. Nauna na ring nilinaw ni Pokwang na walang third party na sangkot sa kanilang desisyon na maghiwalay.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh