Jennica Garcia, sinabing pamilya pa rin para sa kanya ang pamilya ni Alwyn Uytingco

Jennica Garcia, sinabing pamilya pa rin para sa kanya ang pamilya ni Alwyn Uytingco

- Nabanggit ni Jennica Garcia na ayaw niyang dumating sa punto na hindi siya makakatingin sa mata ng mommy ni Alwyn Uytingco

- Kaya naman, umiiwas siyang magsalita tungkol sa paghihiwalay nila ni Alwyn lalo na tungkol sa dahilan ng kanilang hiwalayan

- Aniya, ang pag-aasawa lang naman nila ni Alwyn ang natapos ngunit pamilya pa rin niya ang pamilya nito

- Sa panayam sa kanya ni Jhai Ho ay naibahagi ni Jennica ang kanyang saloobin kaugnay sa pag-iwas niyang magsalita tungkol sa kanila ni Alwyn

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Jennica Garcia na ayaw niyang dumating sa punto na hindi na raw siya makatingin sa mata ng mommy ni Alwyn Uytingco sakaling may masabi siyang masama laban kay Alwyn. Aniya, pag-aaswa lang nila ni Alwyn ang natapos ngunit para sa kanya ay pamilya pa rin niya ang pamilya ni Alwyn.

Read also

Jennica Garcia, inaming magda-dalawang taon na silang hiwalay ni Alwyn Uytingco

Jennica Garcia, tinuturing pa rin na pamilya ang pamilya ni Alwyn Uytingco
Jennica Garcia, tinuturing pa rin na pamilya ang pamilya ni Alwyn Uytingco (@jennicauytingco)
Source: Instagram
Ayoko kasing dumating sa punto na hindi ako makakatingin kay Mama Liza, ‘yung mommy ni Alwyn. Ayokong dumating ‘yung araw na hindi ako makakatingin sa mata niya dahil may nasabi akong hindi maganda patungkol sa anak niya.

Sa naturang pahayag ay nabanggit niyang matagal na talaga silang naghiwalay ngunit umiwas lamang siya na mapag-usapan ang tungkol dito.

“Kasi, natapos man ‘yung marriage namin, hindi naman sila kasama ro’n. Kumbaga, in my mind, they will always be family. It’s just that, hindi na kami mag-asawa ni Alwyn.”

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Jennica Garcia ay anak ng aktres na si Jean Garcia. Nang ikasal siya sa aktor na si Alwyn Uytingco, nagpasya si Jennica na iwan muna pansamantala ang showbiz upang matutukan ang kanilang pamilya.

Sa isang Instagram post ay binahagi ni Jennica ang natanggap na mensahe mula sa kanyang amang si Jigo Garcia. Tinatanong nito ang tungkol sa picture na binahagi ni Jennica at kung bakit ganoon daw ang kanyang suot. Kapansin-pansin din na dalawang beses iyong pinadala at mayroong mga naka-caps lock sa natanggap niyang message. Kaya naman, minabuti umano ni Jennica na burahin na lamang ang kanyang picture kahit hindi pa naman siya sinabihang burahin.

Read also

Jennica Garcia, emosyonal na kinuwento ang pagpapahalaga sa mommy niya

Kasunod ng pag-viral ng kanyang post kung saan ibinahagi niya ang message ng kanyang Papa Jigo, marami sa mga netizens ang nag-udyok kay Jennica na ipakita ang mukha ng kanyang ama. Kaya naman, nagbahagi si Jennica ng "Papa reveal" na post sa kanyang social media account. Ibinahagi niya ang aniya'y isa sa pinakapaborito niyang picture ng kanyang Papa Jigo. Wala itong damit pang-itaas at nakakubli sa isang malaking bato kung saan makikita ang under the sea background.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel