Vice Ganda sa aniya'y nagla-like para involved: "Ikaw talaga Kuya"

Vice Ganda sa aniya'y nagla-like para involved: "Ikaw talaga Kuya"

- Nabanggit ni Vice Ganda sa eppisode ngayon ng It's Showtime ang aniya'y nagla-like ng tweet para kasali sa isyu

- Wala itong binanggit na pangalan ngunit aniya ay trending din ito kaya nakuha niya ang gusto niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Dinugtungan niya pa ito ng "Ikaw talaga Kuya" matapos ang kanyang pasaring

- Sa segment naman nila na Girl on Fire ay muling nabanggit ni VIce ang tungkol sa aniya'y pag-la-like ng tweet kung may pinaglalaban

Nabanggit ni Vice Ganda sa It's Showtime ang aniya ay mga taong nagla-like ng tweet para mapag-usapan. Wala itong binanggit na pangalan ngunit aniya ay nagtagumpay naman ito dahil nag-trending din siya.

Vice Ganda sa aniya'y nagla-like para involved: "Ikaw talaga Kuya"
Vice Ganda sa aniya'y nagla-like para involved: "Ikaw talaga Kuya" (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram
"Gusto nila yon…. Yun ang bet nila, yung magkaaway tayo kunyari.Tapos maraming magla-like-like para involved sila. Yes, trending din siya. Nakuha niya yung gusto niya. Ikaw talaga Kuya."

Read also

Vice Ganda, inaming sablay sa joke niya kay Karylle: "Bawi po ako. Bawi right away"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa segment naman nila na Girl on Fire ay muling nabanggit ni VIce ang tungkol sa aniya'y pag-la-like ng tweet kung may pinaglalaban. Nang magtanong si Vhong sa contestant kung anong pinaglalaban nito, dinugtungan ito ni Vice.

“Kung may pinaglalaban ka, i-like like mo lang yung mga tweet.”

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilalla siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Read also

Andrew Schimmer sa namayapang fiancé: "I will make you proud"

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na sa kasalukuyan ay hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, kasalukuyang nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel