Pokwang, nagkomento sa post ni Lee O'Brian: "Anak nga nya walang suporta 5 years"

Pokwang, nagkomento sa post ni Lee O'Brian: "Anak nga nya walang suporta 5 years"

- Nagkomento si Pokwang sa post ni Lee O'Brian kung saan inalmahan ni Pokwang ang isang netizen na aniya ay stalker

- Bwelta ni Pokwang kahit magpapansin pa ito kay Lee, ay hindi siya nito papatulan

- Dagdag pa niya, manggagamit umano ito dahil kapag walang pera ay walang halaga sa kanya

- Nabanggit niya rin na limang taon umanong wala itong suporta sa anak niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Umalma si Pokwang sa isang netizen na aniya ay stalker. Bwelta ni Pokwang kahit magpapansin pa ito kay Lee, ay hindi siya nito papatulan dahil aniya ay manggagamit ito.

Pokwang, nagkomento sa post ni Lee O'Brian: "Anak nga nya walang suporta 5 years"
Pokwang, nagkomento sa post ni Lee O'Brian: "Anak nga nya walang suporta 5 years" (@itspokwang27)
Source: Instagram

Sa naturang komento ni Pokwang kung saan sinagot niya ang isa pang netizen na nagkomento, sinabi niyang kapag walang pera ay hindi papansinin ni Lee. Nabanggit niya din na limang taon umanong wala itong suporta sa anak niya.

@mich**********true akala siguro nila papatulan sila ng kano nayan kahit magpapansin ka araw araw @an******** sa post nya stalker ka manggagamit yang taong yan hahhahahaha wa ka pera tae ka! anak nga nya walang suporta 5years!!!! inyo nayan sak sak mo sa ngala ngala mo!
Pokwang, nagkomento sa post ni Lee O'Brian: "Anak nga nya walang suporta 5 years"
Pokwang, nagkomento sa post ni Lee O'Brian: "Anak nga nya walang suporta 5 years" (@leeobrian)
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Pokwang o Marietta Subong o sa totoong buhay ay kilala bilang isang komedyante, TV host at performer. Naging bahagi siya ng ilang palabas kagaya ng Wowowee, Pilipinas Win na Win at Happy Yipee Yehey kung saan siya ay isa sa mga naging host. Ipinanganak niya si Francine Malia O'Brian sa Antipolo City noong January 18, 2018. Siya ang naging bunga ng pagmamahalan nila ng Amerikanong si Lee O'Brian.

Matatandaang kinumpirma ng malapit na kaibigan ni Pokwang na si Ogie Diaz ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Lee. Matagal na niya umanong alam ang tungkol dito ngunit bilang respeto kay Pokwang ay hindi niya ito nababanggit sa kanyang Showbiz Update. Gayunpaman, dahil lumabas na rin ang balita ay minabuti niyang linawin ang balita para hindi na rin umano magsanga-sanga ang isyu. November pa noong nakaraang taon umano nagkahiwalay ang dalawa at kasalukuyang nakatira sa bukod na bahay si Lee.

Nag-post si Lee ng picture ng kanyang anak na si Malia O'Brian sa gitna ng paglabas ng balita tungkol sa paghihiwalay nila ni Pokwang. Tinawag niyang angel ang kanyang anak na si Malia na kanyang pinasalamatan sa umano'y pagpapangiti nito sa kanya. Sa kabila ng kanilang paghihiwalay ay tuloy na nagbabahagi si Lee ng mga pictures nilang mag-ama na tumutugma sa pahayag ni Pokwang na nakakapunta si Lee sa kanila upang makasama ang anak. Nauna na ring nilinaw ni Pokwang na walang third party na sangkot sa kanilang desisyon na maghiwalay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel