Pokwang, ibinida ang ganda ng anak na si Malia: #futuremissuniverse

Pokwang, ibinida ang ganda ng anak na si Malia: #futuremissuniverse

- Sa post ni Pokwang sa Instagram, binahagi niya ang picture ng anak na si Malia

- Marami ang sumang-ayon sa caption ni Pokwang tungkol sa pagiging future Miss Universe ng kanyang anak

- Maging si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo ay sumang-ayon din kay Pokwang

- May ilang netizens naman ang nagtanong kung bakit Subong na umano ang nilagay na apelyido ni Malia at hindi O'Brian

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Pokwang ang cute na cute na picture ng anak niyang si Malia. Marami ang sumang-ayon sa caption ni Pokwang tungkol sa posibilidad na maging future Miss Universe ng kanyang anak.

Pokwang, ibinida ang ganda ng anak na si Malia: #futuremissuniverse
Pokwang, ibinida ang ganda ng anak na si Malia: #futuremissuniverse (@itspokwang27)
Source: Instagram

Sang-ayon naman ang karamihan sa mga netizens na bagay kay Malia ang maging beauty queen. Maging si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo ay sumang-ayon din kay Pokwang.

Samantala, hindi naman nakaligtas sa ilang netizens na "Subong" at hindi "O'Brian" ang nilagay na apelyido ni Malia.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Gayunpaman, sa IG Story ni Pokwang, naka-tag ang IG account ni Malia na O'Brian pa rin naman ang nakalagay na apelyido.

Pokwang, ibinida ang ganda ng anak na si Malia: #futuremissuniverse
Pokwang, ibinida ang ganda ng anak na si Malia: #futuremissuniverse (@itspokwang27/IG Stories)
Source: Instagram

Si Pokwang o Marietta Subong o sa totoong buhay ay kilala bilang isang komedyante, TV host at performer. Naging bahagi siya ng ilang palabas kagaya ng Wowowee, Pilipinas Win na Win at Happy Yipee Yehey kung saan siya ay isa sa mga naging host. Ipinanganak niya si Francine Malia O'Brian sa Antipolo City noong January 18, 2018. Siya ang naging bunga ng pagmamahalan nila ng Amerikanong si Lee O'Brian.

Matatandaang kinumpirma ng malapit na kaibigan ni Pokwang na si Ogie Diaz ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Lee. Matagal na niya umanong alam ang tungkol dito ngunit bilang respeto kay Pokwang ay hindi niya ito nababanggit sa kanyang Showbiz Update. Gayunpaman, dahil lumabas na rin ang balita ay minabuti niyang linawin ang balita para hindi na rin umano magsanga-sanga ang isyu. November pa noong nakaraang taon umano nagkahiwalay ang dalawa at kasalukuyang nakatira sa bukod na bahay si Lee.

Nag-post si Lee ng picture ng kanyang anak na si Malia O'Brian sa gitna ng paglabas ng balita tungkol sa paghihiwalay nila ni Pokwang. Tinawag niyang angel ang kanyang anak na si Malia na kanyang pinasalamatan sa umano'y pagpapangiti nito sa kanya. Sa kabila ng kanilang paghihiwalay ay tuloy na nagbabahagi si Lee ng mga pictures nilang mag-ama na tumutugma sa pahayag ni Pokwang na nakakapunta si Lee sa kanila upang makasama ang anak. Nauna na ring nilinaw ni Pokwang na walang third party na sangkot sa kanilang desisyon na maghiwalay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel