Bernadette Sembrano, tinupad ang pangarap ni "Yorme" na makasakay sa eroplano
- Binahagi ni Bernadette Sembrano ang kanilang muling pagkikita ni Yorme Aaron Sunga
- Sa kanyang pinakabagong vlog, sinama niya si Yorme para matupad ang pangarap nitong makasakay sa eroplano
- Hindi nito maitago ang kasiyahan niya at pagkamangha nang lumipad na ang eroplanong kanilang sinasakyan
- Pumunta sila sa Roxas City kung saan kumain sila at bumalik din sa Maynila sakay ulit ng eroplano
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Muling nakasama ni Bernadette Sembrano ang batang nakilala bilang si "Yorme" Aaron Sunga. Matapos kamustahin ni Bernadette ay isinama niya si Yorme sa isang field trip kung saan natupad ang pangarap niyang makasakay sa eroplano.
Sa pagkakaalam ni Yorme ay pupunta lang sila sa NAIA para tumingin lang ng eroplano. Sa tulong ng pilotong si Capt Joy Roa, natupad ang pangarap niya. Hindi nito maitago ang kasiyahan niya at pagkamangha nang lumipad na ang eroplanong kanilang sinasakyan.
Pumunta sila sa Roxas City kung saan kumain sila at bumalik din sa Maynila sakay ulit ng eroplano. Marami naman sa mga netizens ang natuwa na makita ang reaksiyon ni Yorme:
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Naiyak ako sa tuwa para kay Yorme Thanks Ms. B and the Roas for making Yorme’s first plane ride come true
Sobrang ngiti rin ako para kay Yorme...napakabuti ni Ms.Berns sa pagtupad ng simpleng pangarap ni Yorme na makasakay sa plane
You’ve made one child’s dream a reality. I was smiling throughout the vlog brought by the joy of watching Yorme so genuinely happy. Such innocence!
Si Bernadette Lorraine Sembrano-Aguinaldo ay kilalang tagapagbalita at television host. Hunyo taong 2008 nang ikasal siya kay Emilio "Orange" Aguinaldo IV na nagmula sa angkan ng unang Pangulo ng Pilipinas, si Emilio Aguinaldo.
Ibinahagi ni Bernadette ang isa sa mga ginagawa ng kanyang mister, ang pangangalakal. Mayroon umano silang junk shop sa Cavite at masasabi niyang mahusay na mag-segregate ang mister. Maliban sa kinikita sa pangangalakal, isang rason nila kung bakit ginagawa ito ay para makatulong sa kalikasan. Minsan pa umanong napagkamalang janitor ang kanyang asawa dahil sa gawaing ito.
Suportado niya ang gawaing ito ng mister na aniya'y dahilan ng pagiging humble nilang mag-asawa. Isa rin kasi umanong paraan para makatulong sa kalikasan kaya naman maging siya ay ginagawa na rin ito. Aniya, gusto naman niya ang kanyang ginagawa lalo na at ipinauunawa ng kanyang mister kung bakit nila ito ginagawa sa kabila ng ilang mga panghuhusgang natatanggap nila.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh