Ice Seguerra, sinorpresa ang dating ka-loveteam na si Spencer Reyes

Ice Seguerra, sinorpresa ang dating ka-loveteam na si Spencer Reyes

- Kabilang si Ice Seguerra sa nagsorpresa sa dating katambal na si Spencer Reyes sa pag-uwi nito sa Pilipinas

- Namalagi ang dating miyembro ng Streetboys sa UK at unang pumunta sa UK noong 2008

- Pitong taon na niyang hindi nakakasama ang kanyang mga magulang at kapatid kaya aniya ay miss na miss na niya ang mga ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Sa binahaging video ng GMA Public Affair, makikita ang madamdaming pag-uwi ni Spencer para makita at makasama ang mga taong mahalaga sa kanya

Hiling ni Spencer Reyes na makauwi siya sa Pilipinas ngayong pasko para makasama ang mga magulang. Sa binahaging video ng GMA Public Affair, makikita ang madamdaming pag-uwi ni Spencer para makita at makasama ang mga taong mahalaga sa kanya kabilang ang kanyang pamilya at si Ice Seguerra na dati niyang nakatambal.

Read also

Pamilya ni Melai Cantiveros, kinaaliwan sa kanilang New Year family picture

Ice Seguerra, sinorpresa ang dating ka-loveteam na si Spencer Reyes
Ice Seguerra, sinorpresa ang dating ka-loveteam na si Spencer Reyes (@iceseguerra)
Source: Instagram

Sa isang bahagi ng video ay isang choir ang sumalubong kay Spencer. Kinagulat niya nang biglang nahati ang pila ng choir at lumabas ang dating kaparehang si Ice Seguerra. Naluha naman siya dahil aniya ay parang bumalik sa kanya lahat ng masasayang alaaala noong dekada 90.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Ice Seguerra ay isang singer at aktor sa Pilipinas. Sumikat siya nang maging bahagi ng Eat Bulaga na kinagiliwan ng marami. Produkto siya ng Little Miss Philippines na bahagi ng "Eat Bulaga" kung saan mga cute at talentadong mga batang babae ang nagiging kalahok upang ibahagi ang kanilang talento at talino at magbigay saya at inspirasyon sa mga manonood.

Kamakailan ay buong tapang na ibinahagi ni Ice ang tungkol sa 17 taon niyang pakikipaglaban sa depresyon. Aniya, matagal na niya itong dinaranas bagay na hindi pa niya lang alam noon kung ano ang tawag. Isa sa pinakamatinding epekto nito ay ang kasagsagan ng pandemya kung saan naisipan niyang bawiin ang sariling buhay. Laking pasalamat naman niya sa kanyang kaibigan at misis na malawak ang pang-unawa sa kanyang pinagdaanan.

Kinaaliwan kamakailan ang pag-post si Sylvia Sanchez ng video kung saan ginising niya si Ice na natutulog. Ito ay para umano palipatin si Ice sa bitbit niyang stroller na hiniram niya sa anak ni Smokey Manaloto. Matapos magising ay wala namang nagawa si Ice kundi sakyan na lang ang biro ni Sylvia. Ani Silvia, ang totoong pagkakaibigan ay asaran at walang pikunan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel