Pamilya ni Melai Cantiveros, kinaaliwan sa kanilang New Year family picture

Pamilya ni Melai Cantiveros, kinaaliwan sa kanilang New Year family picture

- Kinaaliwan sina Melai Cantiveros at ang mga anak na sina Stela at Mela kasama si Jason Francisco sa binahagi nilang family picture

- Ang family picture nilang ito ay kalakip ng kanilang binahaging pagbati para ngayong bagong taon

- Marami ang natuwa sa kanila lalo na sa anak ni Melai na si Stela dahil kuhang-kuha nito ang kakulitan ng kanyang mama

- Umabot sa mahigit 10,000 beses na nai-share sa social media ang kanilang family picture na umani din ng mga masasaya at positibong komento

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Muling kinaaliwan ang pamilya nina Melai Cantiveros at Jason Francisco matapos nilang ibahagi ang kanilang family picture ngayong bagong taon kalakip ng kanilang pagbati. Marami ang natuwa sa kanila lalo na sa anak ni Melai na si Stela dahil kuhang-kuha nito ang kakulitan ng kanyang mama.

Read also

Mga anak ni Andrew Schimmer, dinalaw ang kanilang mommy ngayong bagong taon

Pamilya ni Melai Cantiveros, kinaaliwan sa kanilang New Year family picture
Pamilya ni Melai Cantiveros, kinaaliwan sa kanilang New Year family picture (@mrandmrsfrancisco)
Source: Instagram

Sa naturang picture ay makikitang may hawak na cake ang mag-asawa na may nakasulat na 2023. Habang sina Jason at Mela ay nakangiti, ang mag-inang Melai at Stela naman ay kinaaliwan sa kanilang nakakatuwang reaksiyon. Umabot sa mahigit 10,000 beses na nai-share sa social media ang kanilang family picture na umani din ng mga masasaya at positibong komento.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Unang nakilala sa mundo ng showbiz si Melai Cantiveros nang hirangin siyang big winner ng Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009. Dito niya rin nakilala ang kanyang mister sa tunay na buhay na si Jayson Francisco. Sila ay nabiyayaan ng dalawang anak.

Isang mensahe ang binahagi kamakailan ni Melai kaugnay sa pagpanaw ng kanyang tiyuhin. Ang kanyang Uncle Joy umano ang pinakapaborito niyang uncle at hambambuhay niyang alalahanin ang kabutihan ng kanyang tiyuhin sa kanya. Aniya, masakit para sa kanya ang pagpanaw ng tiyuhin. Alam niyang hindi magiging madali sa kanya lalo at lagi umano siyang pumupunta sa bahay ng tiyuhin niya tuwing uuwi siya sa kanilang probinsiya.

Samantala, ang mensahe ni Melai para sa kaarawan ng mister na si Jason Francisco ay kanyang binahagi sa kanyang social media account. Marami sa mga followers ng mag-asawa ang natuwa sa mensahe niya kung saan pabiro niyang inilarawan ang mister bilang kanyang "Best Enemy." Agad naman niya itong binawi at sinabing isang mabuting ama si Jason sa kanilang mga anak. Aniya, palagi lang silang mag-iinang nasa tabi ni Jason anuman ang mangyari.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel