Maxene Magalona, tinawanan lang ang isyu ng kanyang pagbubuntis: "'San nanggaling 'to"

Maxene Magalona, tinawanan lang ang isyu ng kanyang pagbubuntis: "'San nanggaling 'to"

- Tinawanan lang ni Maxene Magalona ang isyu ng umano'y pagbubuntis niya

- Matatandang nadawit ang pangalan ni Maxene sa tsismis na hiwalayan nina Angel Locsin at Neil Arce

- Maging si Maxene ay nagtaka umano kung saan nanggaling ang isyu na iniugnay pa sa hiwalayan ng dalawa

- Gayunpaman, marami na rin ang nagpabulaan sa isyu at sinabing hindi hiwalay sina Angel at Neil

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Natawa na lamang si Maxene Magalona sa isyung buntis umano siya matapos ang hiwalayan niya sa asawang si Rob Mananquil kamakailan.

Maxene Magalona, tinawanan lang ang isyu ng kanyang pagbubuntis: "'San nanggaling 'to"
Maxene Magalona (Toni Gonzaga Studios)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na hindi umano na-bother si Maxene sa mga isyu na naigunay sa kanya partikular na ang tsismis na hiwalayan nina Angel Locsin at Neil Arce.

"Not at all. And I speak fearlessly. I know I am a woman of my word. No because if I release a statement then the mga negative energy vampires, 'yan ang tawag ko sa inyo. The negative energy vampires will see, ay kaya natin siya," ani Maxene.

Read also

Erik Santos, napahagulhol sa pagbabahagi ng mga huling sandali ng kanyang ina

"Ay maraming nanonood ng stories ko maglalabas tayo ng mental health tips.. minental health ko sila. Grabe yung mga nagsasalita na parang totoo yung sinasabi nila... If that makes you happy, sige lang," dagdag pa ni Maxene.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Saka tumaba ako. tinatanggap ko na guys, okay?" ani Maxene na may kaugnayan sa isyung siya ay nagdadalang tao.

"Sabi ko talaga, saan galing 'to? Kelan nangyari ito? Di ako na-inform? I welcome this challenges because I want to show that God truly works," paliwanag ni Maxene.

Narito ang kabuuan ng panayam mula sa Toni Gonzaga Studios:

Si Celestine Cruz Gonzaga-Soriano, o mas kilala bilang si Toni Gonzaga, ay isang Filipina singer, television host, actress, producer, vlogger, at entrepreneur. Siya ang panganay sa dalawang anak nina Taytay, Rizal, Vice-Mayor Carlito "Bonoy" at Crisanta "Pinty" Cruz Gonzaga. Si Toni ang ate ng isa ring kilalang aktres at TV host na si Catherine "Cathy" Gonzaga o mas kilala bilang si Alex Gonzaga.

Read also

Cristy Fermin sa AlDub fans; "Love team lang po... Hanggang doon na lamang po talaga 'yun"

Sa ngayon, isa ang 'Toni Talks' sa kanyang channel na Toni Gonzaga Studio, sa pinakaaabangang talk show sa Youtube. Linggo-linggo, inspirasyon ang hatid ng mga kwento ng personalidad na kanyang nakakapanayam.

Isa sa pinakamakabuluhan niyang panayam ay ang maging panauhin niya si Maricar Reyes na nagkaroon na ng lakas ng loob na pag-usapan ang nangyaring iskandalo sa kanya halos isang dekada na ang nakalipas.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Hot:
Online view pixel