Cristy Fermin sa AlDub fans; "Love team lang po... Hanggang doon na lamang po talaga 'yun"

Cristy Fermin sa AlDub fans; "Love team lang po... Hanggang doon na lamang po talaga 'yun"

- May mensahe si Cristy Fermin sa mga AlDub fans na naniniwala pa rin na may relasyon sina Maine Mendoza at Alden Richards

- Lalo na iyong mga nagsasabing naging pabayang ina pa si Maine sa umano'y anak nila ni Alden

- Ani Cristy, tila nang-iinis na lamang umano ang ilan sa mga fans na ito lalo't hindi nagkatuluyan ang kanilang mga iniidolo

- Gayunpaman, binigyang diin ni Cristy na pawang love team lang ang dalawa at hanggang doon na lamang ang mga ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Muling natalakay sa Showbiz Now Na! nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez ang tungkol sa umano'y nabuhay na isyu ng mga Aldub fans sa kanilang iniidolo na sina Maine Mendoza at Alden Richards.

Cristy Fermin sa AlDub fans; "Love team lang po... Hanggang doon na lamang po talaga 'yun"
Maine Mendoza and Alden Richards (Eat Bulaga)

Nalaman ng KAMI na may ilan pa rin umanong mga fans na tila hindi pa rin matanggap na may kanya-kanyang buhay na ang love team na sumikat noong 2015 sa Kalyeserye ng Eat Bulaga.

May mga lumalabas pa rin kasing isyu na sa pagpunta nina Maine at ang fiancé nitong si Arjo Atayde sa ibang bansa, may mga fans na nanagsabing napababayaan na ni Maine ang anak daw nito kay Alden.

"Ipinipilit po ng mga AlDub na sarado ang utak at puso na si Alden daw po ang kasama ni Maine Sa Europe," ani Cristy.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Eto na po ang kinalabasan ng kanilang paghusga, 'napakapabayang ina nitong si Maine Mendoza. Iniiwan-iwanan ang anak nila ni Alden. Sino ngayon ang mag-aalaga sa bata kung ganyan na rampa siya ng rampa," dagdag pa niya.

Dahil dito, nasabi ni Cristy na maaring nag-iinis na lamang ang mga fans na ito.

"Siguro nang-iinis na lang sila. Dahil hindi natupad ang pangarap nilang magkatuluyan sina Alden Richards at si Maine Mendoza."

Gayunpaman, pinaalalahanan pa rin ni Cristy ang mga Aldub fans na sana'y maka-move on na ang mga ito gayung may kanya-kanya na ring buhay.

"Love team lang po. At sana, matuto nang tanggapin ito ng mga saradong utak at puso na ALDub na hanggang doon na lamang po talaga 'yun. The End na pong journey 'yan.

Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag:

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng kilalang batikang Entertainment writer at reporter na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene ng bansa.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez.

Sa loob lamang ng ilang buwan, natanggap na ni Cristy ang kanyang silver play button sa YouTube sa pagkakaroon ng mahigit 100,000 subscribers na ngayo'y may bilang na 289,000 subscribers.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel