SNN, bukas para sa panig ni AJ Raval sa isyu ng umano'y panganganak nito ayon kay Cristy

SNN, bukas para sa panig ni AJ Raval sa isyu ng umano'y panganganak nito ayon kay Cristy

- Ani ni Cristy Fermin, bukas ang kanilang programang Showbiz Now Na! upang marinig ang panig ni AJ Raval

- Kamakailan ay hayagang nasabi ni Ogie Diaz na ayon umano sa kanyang source, nakapanganak na si Aj

- Ayon sa ulat ni Ogie D, namataan pa umano sa ospital si Aljur Abrenica na tinuturong ama ng umano'y ipinanganak ni AJ

- Nasabi rin ni Cristy na mauunawaan nila kung ang dahilan ng pagdi-deny madalas ni AJ ay ang kanyang career

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Muling napag-usapan sa programang Showbiz Now Na! nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez ang minsan na nilang naibalitang buntis si AJ Raval.

SNN, bukas para sa panig ni AJ Raval sa isyu ng umano'y panganganak nito ayon kay Cristy
AJ Raval (@ajravsss)
Source: Instagram

At ngayong napabalita namang nanganak ito, nais sana nilang marinig mismo kay AJ ang katotohanan ukol dito.

"Ang programa pong ito, bukas para sa panig ni AJ Raval. Ito po ang programang tatanggap sa gusto nilang ibigay na dahilan kung bakit niya itinago. Natakot siguro sila ni Aljur dahil hindi pa po napapawalang bisa ang kasal nila ni Kylie Padilla," aniya.

Read also

Coco at Julia, lantaran na ang pamamasyal sa ibang bansa ani Cristy Fermin

"Ito po 'yung hindi maitatago talaga. Kaya lalantad at lalantad din po ang katotohanan. At eto inilabas na ni Ogie Diaz, pinapangalawahan po namin kung nanganak na si AJ Raval. Ito po yung kanyang pagdadalang-tao na kanyang dinenay nang dinenay sa kanyang paglalabas ng kanyang mga larawan na flat na flat ang kanyang tiyan," dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Pakiusap din ni Cristy sa publiko na sana'y unawain si AJ sa pagtatago umano o pagdi-deny ng kanyang pagdadalangtao.

"At rerespetuhin din po namin kung idadahilan ni AJ Raval, kasagsagan ng kanyang pagiging sxy star 'yung panahon ng kanyang pagdadalang tao. Kahalintulad ng kasikatan noon ni Aubrey Miles, kaya itinago niya ang kanyang pagdadalangtao at panganganak."

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng kilalang batikang Entertainment writer at reporter na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene ng Pilipinas.

Read also

Bea Alonzo, todo puri ni Cristy Fermin; "Sobra ang biyayang dumarating"

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez.

Sa isang episode ng Showbiz Now Na!, naikwento ni Cristy ang nasabi sa kanya ng kanyang source na tuloy na tuloy na ang kasalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Gaganapin daw ito sa 2023. Sakaling totoo ito, isa raw si Cristy sa mga magiging masaya para sa dalawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel