Alden Richards sa AlDub issue: "Hindi ako property ng kahit sino"

Alden Richards sa AlDub issue: "Hindi ako property ng kahit sino"

- Nagsalita na si Alden Richards kaugnay sa isyu patungkol sa mga AlDub supporters na tila hindi pa rin naniniwalang hindi talaga sila magkarelasyon ni Maine Mendoza

- Sa ginanap na media conference sa Cebu kamakailan, sinabi ni Alden ang saloobin kaugnay dito

- Aniya, hindi siya pagmamay-ari ng kahit na sino at may sarili siyang desisyon sa buhay at pinaninindigan niya umano ito

- Nagpapasalamat umano sila ni Maine sa suportang natanggap nila ngunit hindi niya hahayaang sila ang magkokontrol ng buhay niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ani Alden Richards, hindi siya pagmamay-ari ng kahit na sino at may sarili siyang desisyon sa buhay at pinaninindigan niya umano ito.

Sa ulat ng Manila Bulletin, sinabi ni Alden na grateful daw siya sa mga suporta sa kanya ngunit hindi niya hahayaang ibang tao na ang magko-kontrol sa buhay niya.

Alden Richards sa AlDub issue: "Hindi ako property ng kahit sino"
Alden Richards sa AlDub issue: "Hindi ako property ng kahit sino" (@aldenrichards02)
Source: Instagram

Patungkol ito sa mga tagahanga ng tambalan nila ni Maine Mendoza na hanggang sa kasalukuyan ay tila hindi pa rin kumbinsido na hindi sila magkarelasyon sa totoong buhay.

“We’re grateful but I make a stand to not let people control my life. Ito ang prinsipyo ko sa buhay. Hindi ako property ng kahit sino. I have my own choices, I have my own decisions so I stick to that."

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa isang ulat ng Philippine Star, nabanggit ni Maine sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz ang tungkol sa mga 'delusional' na mga AlDub fans.

Matatandaang Hulyo ng kasalukuyang taon nang mag-propose si Arjo Atayde kay Maine ayon sa ulat ng The Manila Times.

Si Maine Mendoza ay isa sa mga pinaka-popular na mga aktres sa showbiz. Ipinanganak siyang si Nicomaine Dei Capili Mendoza. Naging sikat sa YouTube si Maine dahil sa mga mabenta niyang Dubsmash videos. Nag-level up nang husto ang kasikatan niya dahil sa role niya bilang si Yaya Dub sa Eat Bulaga at nang maging parte siya ng Aldub love team kasama si Alden Richards.

Ayon kay Ogie Diaz, magbibigay siya ng P100, 000 kung may mailalabas na anak ang isa sa mga AlDub fan na nagsalita sa isang video. Dagdag pa niya, P150,000 naman ang ibibigay niya kung mapapatunayan nito na may apo na rin ang AlDub. Sa naturang video ay sinasabi ng isang AlDub fan na totoo daw na may anak talaga sina Maine at Alden. Ito ay sa kabila ng paglilinaw kamakailan ni Maine na wala itong katotohanan.

Kamakailan ay inalmahan ni Cristy Fermin ang ilang Aldub fans na tila nagdududa pa kung si Arjo Atayde nga ang kasama ni Maine sa bakasyon nito kamakailan. Aniya, may ilang AlDub fans pa umanong magtutungo sa airport upang salubungun si Maine. Dahil sa muling pagkabuhay ng isyu sa AlDub, tila iba na raw ang nararamdaman ni Cristy sa naturang kontrobersiya. Tila binabarikadahan pa rin umano ng ilang AlDub fans ang mga iniidolo nila kahit si Maine aay engaged na kay Congressman Atayde.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel