Kaye Abad, emosyonal dahil hindi naisama ang anak sa bakasyon sa Amerika

Kaye Abad, emosyonal dahil hindi naisama ang anak sa bakasyon sa Amerika

- Emosyonal si Kaye Abad habang kinukwento niya ang tungkol sa bakasyon nila ng asawang si Paul Jake Castillo

- Ito ay dahil hindi nila makakasama ang panganay na anak na si Joaquin na aniya ay inasahan nilang makakasama sana nila sa kanilang bakasyon

- Dahil na-deny ang visa ni Joaquin kaya wala silang nagawa kundi sumama na lang din sa pagpunta sa States ng pamilya ni Jake

- Marami naman ang naantig sa pagpapaalam ni Kaye kay Joaquin bago sila umalis

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Emosyonal na nagpaalam si Kaye Abad sa anak na si Joaquin na hindi nila nakasama sa kanilang pagpunta sa Amerika dahil na-deny ang visa nito. Napagpasyahan ng mag-asawa na ituloy na lamang ang bakasyon nila dahil mayroon na rin silang ticket.

Kaye Abad, emosyonal dahil hindi naisama ang anak sa bakasyon sa Amerika
Kaye Abad, emosyonal dahil hindi naisama ang anak sa bakasyon sa Amerika (@kaye_abad)
Source: Instagram

Iniwan na lamang nina Kaye at Paul Jake ang anak sa pamilya ni Kaye sa Manila. Anila excited sana sila para sa experience ni Joaquin na makapunta sa Amerika ngunit dahil sa nangyari ay wala na silang nagawa.

Read also

Xander Ford, nais na personal mag-sorry kay Kathryn: "Content lang po, bayad ako"

Marami naman ang naantig sa pagpapaalam ni Kaye kay Joaquin bago sila umalis:

Kaye’s emotions got me teary eyed yayyyy know the feelings, love this fambam

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Omg...naiyak naman ako. I know how it feels pag naiiwan mga kids. I'm sure you'll make it up next time. Even a better a more fun trip for sure.
I cried when Kaye was saying goodbye to Joaquin. Why would they deny Joaquin the visa? Someday it will happen with your 2 kids in tow

Si Kaye Abad ay isang aktres na unang nakilala sa mundo ng showbiz bilang isa sa bahagi ng "Ang TV". Nakilala din siya bilang katambal ni John Lloyd Cruz sa seryeng "Tabing Ilog" mula 1999 hanggang 2003.

Sa kanyang Instagram post, binahagi ni Kaye ang isa sa mga picture niya sa kanyang birthday pictorial. Marami ang humanga sa aktres dahil mukha itong hindi tumatanda kahit pa 40 taong gulang na ito. Bumaha ng komento ng pagbati at paghanga sa kagandahan ng aktres sa binahagi nitong picture na kinuhanan ng Nice Print Photography. Matatandaang una siyang nakilala sa mundo ng showbiz bilang isa sa bahagi ng "Ang TV."

Read also

Cristy sa ilang AlDub fans: "Nang-iinis nalang itong mga ito e"

Nitong nakaraang Setyembre ay pinagdiwang ng mag-asawang Kaye at Paul Jake Castillo ang unang kaarawan ng bunsong anak nilang si Iñigo. September 2, 2022 pinagdiwang ang unang kaarawan ng bunso nila.Binahagi ng Nice Print Photography ang magagandang pictures na kuha sa kanilang party.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel