It's Showtime hosts, emosyonal sa kantang "Laban" na ginawa ni Teddy Corpus

It's Showtime hosts, emosyonal sa kantang "Laban" na ginawa ni Teddy Corpus

- Emosyonal si Kim Chiu maging ang kanyang mga co-hosts sa It's Showtime matapos niyang banggitin ang tungkol sa kantang ginawa ni Teddy Corpus

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Isa lamang ang kantang "Laban" sa kinanta nila para sa Magpasikat performance ng grupo nila nina Teddy at Jugs Jugueta

- Ani Kim, ang kantang iyon ay para sa taong aniya ay miss na miss nilang lahat

- Sagot naman ni Vice, nabasa umano ng taong tinutukoy nila ang mensahe nila Kim kaya alam umano ni Vice na masaya ito sa ginawa ng mga kaibigan para sa kanya

Ayon kay Kim Chiu, ang kantang ginawa ni Teddy Corpus na kanilang kinanta sa kanilang Magpasikat performance ay para sa taong miss na miss nilang lahat. Maging ang kanyang mga co-hosts sa It's Showtime ay hindi maitago ang emosyon matapos itong sabihin ni Kim.

Read also

Maxene Magalona, nagbahagi ng quote tungkol sa mga bagay na hindi na dapat pansinin

It's Showtime hosts, emosyonal sa kantang "Laban" na ginawa ni Teddy Corpus
It's Showtime hosts, emosyonal sa kantang "Laban" na ginawa ni Teddy Corpus (@chinitaprincess)
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sagot naman ni Vice, nabasa naman umano ng taong kanilang pinag-aalayan ng kanta ang kanilang chat kaya alam niyang natuwa ito sa kanilang ginawa.

Nakasama nina Kim, Teddy at Jugs Jugueta ang ilan sa mga bigating pangalan pagdating sa musika. Kaya naman, halos lahat ng hurado ay natuwa na muli nilang maranasan na makapanuod ng live concert na matagal ding nawala simula nang magkaroon ng pandemya.

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw.

Sa muling pagbabalik ni Anne Curtis sa It's Showtime, nagbigay ng mensahe ang kanyang mga kasamahan. Kabilang si Kim sa nagpahayag ng kanyang kasiyahan sa muling pagbabalik ng kanyang ate Anne. Aniya, masaya siya na sa wakas ay personal niya nang masasabi ang kanyang mga tsika na sa social media niya lang nasasabi. Masaya din si Anne lalo at may paghuhugatan siya ng energy sa katauhan ni Kim na talaga namang palaging punong-puno ng energy.

Read also

Video ni Herlene Budol nang mapahagulhol sa sinapit sa MPI, binahagi ni Wilbert Tolentino

Sinabi ni Kim sa kanyang vlog na kahit may hindi magandang karanasan niya sa kanyang van ay hindi niya ito binenta. Aniya, kahit hindi maganda ang kanyang naging karanasan sa naturang van, maituturing niyang sinalba pa rin nito ang buhay niya. Matatandaang taong 2020 nang lumabas ang balita tungkol sa pamamaril sa kanyang van. Ang pangyayaring iyon ay dahil umano sa mistaken identity at nalaman iyon nang humingi ng dispensa ang target sa pamamagitan ng pakikipag-usap umano nito sa isa sa mga boss ni Kim.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel