Kim Chiu, hindi binenta ang van dahil naisalba umano nito ang buhay nya

Kim Chiu, hindi binenta ang van dahil naisalba umano nito ang buhay nya

- Ayon kay Kim Chiu, kahit may hindi magandang karanasan niya sa kanyang van ay hindi niya ito binenta

- Aniya, sa kabila ng kanyang karanasan ay hindi niya talaga binenta ang kanyang van dahil nasalba umano nito ang buhay niya

- Matatandaang taong 2020 nang lumabas ang balita tungkol sa pamamaril sa kanyang van

- Ang pangyayaring iyon ay dahil umano sa mistaken identity at nalaman iyon nang humingi ng dispensa ang target sa pamamagitan ng pakikipag-usap umano nito sa isa sa mga boss ni Kim

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ani Kim Chiu, hindi niya talaga ibebenta ang kanyang van kahit pa ito ang van na pinagbabaril noong taong 2020. Aniya, sa kabila ng kanyang karanasan ay hindi niya talaga binenta ang kanyang van dahil nasalba umano nito ang buhay niya.

Kim Chiu, hindi binenta ang van dahil naisalba umano nito ang buhay nya
Kim Chiu, hindi binenta ang van dahil naisalba umano nito ang buhay nya (@chinitaprincess)
Source: Instagram

Matatandaang taong 2020 nang lumabas ang balita tungkol sa pamamaril sa kanyang van habang bumibiyahe siya papuntang trabaho. Ang pangyayaring iyon ay dahil umano sa mistaken identity at nalaman iyon nang humingi ng dispensa ang target sa pamamagitan ng pakikipag-usap umano nito sa isa sa mga boss ni Kim

Read also

Ian Veneracion, naniniwalang hindi dapat i-ban ang K-Dramas sa bansa

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matatandaang isa lamang si Kim sa mga artistang nagpasyang sumuporta sa kandidatura ni VP Leni. Kamakailan ay dumalo siya sa mismong rally. Naging usap-usapan ang eksena sa backstage matapos mapaluhod ni Kim. Naibahagi din ni Kim kamakailan ang kanyang natanggap na bulaklak at sulat para sa kanyang kaarawan na mula kay Vice President Leni Robredo. Hindi maitago ni Kim ang kanyang tuwa sa natanggap niyang regalo mula kay VP Robredo.

Samantala, napa-head stand si Kim sa It's Showtime matapos siyang pasayawin ng kanyang mga co-hosts. Si Jhong Hilario na tinaguriang "sample king" ang nauna at talaga namang lahat ang kanyang co-hosts ay bumilib sa walang kupas na husay ni Jhong sa pagsasayaw. Kinawindang ng kanyang mga kasamahan ang pagtangka nitong mag-head stand dahil nasubsob ng kaunti ang kanyang ulo. Agad naman siyang inalalayan ng kanyang mga co-hosts sa pagtayo matapos ang kanyang performance.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel