Zeinab, nang magsabi si Lucas sa teacher ng problema niya: "Durog na durog ang puso ko"

Zeinab, nang magsabi si Lucas sa teacher ng problema niya: "Durog na durog ang puso ko"

-Aminadong naiyak si Zeinab Harake sa anak na si Lucas nang malamang nagsabi ito sa teacher ng kanyang problema

- Hindi raw makapagsabi kanino man noon si Lucas ng kanyang problema kaya sa teacher ito nagkwento

- Nang malaman ito ni Zeinab, labis umanong nadurog ang kanyang puso

- Matatandaang minsan nang napuri ni Zeinab ang kanyang panganay na si Lucas sa pagiging mabuting kuya nito kay Bia

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naikwento ni Zeinab Harake ang isang pagkakataong nakapagpaiyak umano sa kanya dahil sa panganay niyang si Lucas.

Zeinab, nang magsabi si Lucas sa teacher ng problema niya: "Durog na durog ang puso ko"
Zeinab kasama ang kanyang "Kuya Lucas"
Source: Facebook

Nilarawan ni Zeinab na halos madurog umano ang kanyang puso nang malaman ito mula pa sa teacher ng kanyang anak.

"Parang may personal problem sa loob ng bahay, tapos si Lucas hindi niya masabi sa kahit kanino. Nagsabi siya sa teacher," ani Zeinab.

Read also

Netflix hit na Dollhouse ni Baron Geisler, hango sa kwento ng buhay ng aktres na si Faye Lorenzo

Ta's yung teacher ang nagsabi sa'kin. So 'nung time na 'yun. Grabe talaga 'yung puso ko, parang durog na durog," dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isa lamang ito sa pagkakataong labis siyang siya napaiyak dahil sa kanyang mga anak.

Matatandaang naibahagi rin niya sa naturang video kung paano niya inalmahan ang mga netizens na naaawa umano kay Lucas tuwing karga ni Zeinab ni Zeinab ang bunso nitong si Bia.

"'Yung mga comment na halatang-halata na mas mahal si Bia kay Lucas. Kawawa naman si Lucas hindi nata-trato ng tama. Cut na po 'yan kasi hindi yan totoo," pakiusap na nito.

Aniya, walang sinoman ang may karapatang kwestyunin ang kanyang pagiging ina.

Gayunpaman, proud naman siya kay Lucas na nakikita niyang protective, mapagmahal at malambing sa kanya gayundin sa bunsong kapatid nitong si Bia.

Read also

Zeinab, 'di nakatulog nang magtampo si Bia: "Talagang hindi niya ako nilalapitan"

Narito ang kabuuan ng kanyang vlog kung saan mapapanood ang naturang mga pahayag:

Si Zeinab Harake ay isa sa mga kilalang YouTuber sa bansa na mayroon nang 13.3 million subscribers sa kanyang channel.

Inspirasyon ang hatid ng karamihan sa kanyang vlogs lalong-lalo na pagdating sa pagmamahal at pag-aaruga niya sa kanyang pamilya lalong-lalo na sa kanyang mga anak.

Gayundin ang pagmamalasakit niya sa kanyang mga magulang at mga kapatid at maging ang bumubuo ng kanyang 'Team Zebbies na itinuturing na rin niya talaga na bahagi ng kanilang pamilya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel