Zeinab, 'di nakatulog nang magtampo si Bia: "Talagang hindi niya ako nilalapitan"

Zeinab, 'di nakatulog nang magtampo si Bia: "Talagang hindi niya ako nilalapitan"

- Ibinahagi ni Zeinab Harake ang umano'y pagkakataon na napaiyak siya ng mga anak

- Isa na rito ang pagkakataong naramdaman niyang nagtampo sa kanya si Bia

- Hindi raw siya talaga nakatulog noon dahil ayaw sumama sa kanya ng anak

- Tila nahimasmasan na lamang siya kinabukasan nang muli siyang tawagin nito ng "Mommy"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naikwento ni Zeinab Harake ang pagkakataong nakapiyak siya ng bunsong anak na si Bia.

Zeinab, 'di nakatulog nang magtampo si Bia: "Talagang hindi niya ako nilalapitan"
Zeinab Harake kasama ang kanyang baby Bia (Zeinab Harake)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na talagang inatake umano ng anxiety si Zeinab nang iparamdam umano sa kanya ni Bia ang pagtatampo.

"Talagang hindi po ako nakatulog. Kasi feeling ko, first away naming mag-asawa parang gano'n. Kasi anong oras na ba 'yun? hindi talga siya natutulog. Ang ginawa ko, lumabas ako. tinatakot ko na siya. Lumabas na ako ng pinto, 'alis na si Mommy, ayaw mo matulog e tapos umiyak," pagbabalik tanaw ni Zeinab sa nangyari.

Read also

Internal Security personnel sa Puregold, naiyak nang humingi ng dispensa

"Pinaramdam niya sa'kin ng sobra 'yung tampo niya. Nang dahil lang sa pagwo-walk out ko kunwari para lang matulog siya. Nagtampo siya, tapos talagang hindi niya talaga ako nilalapitan," dagdag pa niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Aminadong labis siyang naapektuhan nang pangyayaring ito dahilan para maging emosyonal na rin siya.

"Ako talaga 'yung puso ko selos na selos ka na ta's feeling mo mali 'yung ginawa mo. 'yung mga ganun ka- mixed emotions 'day!"
"Umiiyak ako kasi ina-anxiety na ako. Nasaktan ako ni Bia 'nun, natatakot ako tuloy ba 'to. okay na ba paggising namin kinabukasan?"

Tila nabunutan na raw siya ng tinik sa dibdib nang muli siyang tawaging "Mommy" ni Bia pagkagising nila.

Narito ang kabuuan ng kanyang kwento mula sa sa bagong episode ng kanyang vlog na bahagi ng pagdiriwang ng Women's month:

Read also

Ogie Diaz matapos ang kontrobersiya sa dating alaga: "Basta ang importante tapos na ito"

Si Zeinab Harake ay isa sa mga kilalang YouTuber sa bansa na mayroon nang 13.3 million subscribers sa kanyang channel.

Sa mga huling vlogs niya noong 2022, ipinakita ni Zeinab ang pagpapahalaga sa sarili lalong-lalo na rin sa kanyang pamilya. Subalit, hindi pa rin ito nakalimot na magbahagi ng kanyang biyaya lalo na sa mga taong higit na nangangailangan ng tulong.

Naibahagi rin niya umano ang mga natutunan niya noong nakaraang taon na inulan siya ng kabi-kabilang kontrobersiya.

Gayunpaman, labis-labis pa rin ang pasasalamat ni Zeinab na nagtapos pa ring matagumpay ang kanyang 2022.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel