Loisa Andalio, umalma sa espikulasyon sa tweet niya tungkol sa pangakong napako

Loisa Andalio, umalma sa espikulasyon sa tweet niya tungkol sa pangakong napako

- Diretsahang sinabi ni Loisa Andalio na fake news ang lumabas na espikulasyon na nagkakaproblema sila ni Ronnie Alonte

- Ito ay matapos siyang mag-post kamakailan tungkol sa pangakong napako

- Nauna na ring nilinaw ni Loisa sa kanyang post na wala itong kinalaman sa kanyang buhay pag-ibig

- Marami sa mga fans ng tambalang Loinie ang natuwa matapos linawin ni Loisa ang tungkol dito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Loisa Andalio, fake news ang lumabas na bali-balitang nagkakaproblema sila ni Ronnie Alonte. Nag-ugat ito nang magpost kamakailan si Loisa ng quote tungkol sa pangakong napako.

Loisa Andalio, umalma sa espikulasyon sa tweet nya tungkol sa pangakong napako
Loisa Andalio, umalma sa espikulasyon sa tweet nya tungkol sa pangakong napako (@iamandalioloisa)
Source: Instagram

Sa isang post ng Facebook page na Kapamilya Online World, nag-iwan ng komento si Loisa upang tuldukan ang naturang espikulasyon.

Grabe talaga fake news ngayon hahahaha

Sa kanyang post, mas masahol pa ang pangangako kesa sa pagsisinungaling dahil hindi lamang umano ito pagpapaniwala kundi pagpapaasa..

Read also

Kean Cipriano, makulit na inalala ang kakaibang nagawa sa kanya ng isang fan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Promises are worse than lies, you don’t just make them believe, you also make them hope.

Marami sa mga fans ng tambalang Loinie ang natuwa matapos linawin ni Loisa ang tungkol dito:

We love u loisa stay strong bawal maghiwalay walang Ganon ahahah
Sa panahon ngayon, bawal ka mag act as sad girl. Issue yarn
Buti naman at fake news ma sasad n sana aq kilig n kilig aq sainyo eh.

Si Loisa Andalio o Josefina Loisa Francisco Andalio sa totoong buhay ay isang Filipino actress at dancer. Naging bahagi siya ng Pinoy Big Brother: All In, kung saan nakilala siya bilang ang "Talented Darling ng Parañaque".

Kamakailan ay nag-post si Loisa ng video na kuha sa birthday party ng kanyang boyfriend na si Ronnie Alonte. Makikita sa video ang masayang pagtitipon ng mga mahal sa buhay ni Ronnie. Naglagay din si Loisa ng kanyang mensahe para kay Ronnie. Pinasalamatan naman ni Ronnie si Loisa sa pamamagitan ng paglagay ng kanyang mensahe sa comment section.

Read also

Cristy, nakausap si Alden ukol sa 'kasal at anak' isyu ng Aldub; "wala pong katotohanan"

Naging usap-usapan ang post ni Loisa kamakailan tungkol sa pangako at kasinungalingan. Aniya, mas masahol pa ang pangangako kesa sa pagsisinungaling dahil hindi lamang umano ito pagpapaniwala kundi pagpapaasa. Sa comment section ng post niya ay nilinaw niyang walang kinalaman sa kanyang buhay pag-ibig ang kanyang quote na binahagi.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel