RR Enriquez, naniniwala sa miracle; naikwento ang nangyari sa anak ni Jayjay Helterbrand

RR Enriquez, naniniwala sa miracle; naikwento ang nangyari sa anak ni Jayjay Helterbrand

- Naibahagi ni RR Enriquez ang umano'y milagrong nangyari sa anak ni Jayjay Helterbrand

- Ito ay matapos na mabasa ang komento ng isang netizen tungkol sa asawa ni Andrew Schimmer

- Ani RR, naniniwala siya sa milagro dahil na rin sa nangyari sa anak ni Jayjay na tinaningan na ng 24 oras

- Kaya naman saludo siya kay Andrew na inilalaban pa rin ang misis sa kabila ng komento ng ilan na tila pagod na raw ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nabanggit ni RR Enriquez ang umano'y nasaksihan nilang milagro sa anak ng partner niyang si Jayjay Helterbrand.

RR Enriquez, naniniwala sa miracle; naikwento ang nangyari sa anak ni Jayjay Helterbrand
RR Enriquez, (RR Enriquez Sawsawera Queen YouTube channel)
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na ito ay matapos na matalakay ni RR sa kanyang vlog ang kalagayan ng misis ni Andrew Schimmer na si Jho Rovero.

Isang netizen kasi ang nagkomento patungkol sa misis ni Andrew na tila pagod na sa kabila ng mga ginagawa ng aktor maisalba lamang ang buhay ng asawa.

Dito ginawang halimbawa ni RR ang anak ni Jayjay na na-comatose at tinaningan na ang buhay na kung hindi magigising, maari itong matuluyang mamatay.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

""Ma-share ko lang sa inyo ha. 'Yung anak ni Jayjay kaya siya naging Christian, ganyan na ganyan din yung nangyari. Ganyan din 'yung nangyari. Na-comatose din. Pero ito, 24 hours lang. Nag-pray si Jayjay. First time ni Jayjay magpray. Na-interview siya sa TV dati bakit siya naging Christian,"

"Buti nalang naagapan, nadala agad sa ospital. Nasa hospital na siya nung na-comatose. And dun nag-pray si Jayjay talaga. And dun, within 24 hours, that's why he believes in miracles. He believes that there is God. Kasi nga after niya mag-pray, tumawag 'yung ex-wife niya at sinabing gising na ang kanyang anak,"

Kaya naman saludo si RR sa ginagawa ni Andrew sa kanyang misis na patuloy niyang inilalaban sa pag-asang magkakaroon ito ng milagro at makababalik pa rin ito sa dati nilang buhay.

Isa na ngayon sa inaabangan linggo-linggo ang mga vlog ni RR Enriquez. Matapos kasi siyang mabansagang 'Sawsawera Queen', tila kinagiliwan na ng publiko ang kanyang mga 'honest opinion' sa mga isyu lalong-lalo na sa showbiz.

Mula lamang sa kanyang pag-post sa mga sinasawsawang isyu, umaariba na ngayon ang kanyang YouTube channel at kamakailan ay natanggap na nga niya ang kanyang silver play button.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel