RR, napa-react sa umano'y bansag na 'Pambansang paawa' ni Cristy kay Andrew Schimmer

RR, napa-react sa umano'y bansag na 'Pambansang paawa' ni Cristy kay Andrew Schimmer

- Nag-react si RR Entiquez sa umano'y naging bansag ni Cristy Fermin kay Andrew Schimmer

- Sa halip na pamba-bash, dapat lamang na tulungan na lamang si Andrew Schimmer sa pagsubok na kinahaharap ng kanilang pamilya

- Ayon pa kay RR, hindi naman nalalayo ang kanilang ginagawang pagba-vlog sa pagbabahagi ni Andrew ng updates ng kanyang misis sa social media

- Kung siya raw umano ang tatanungin, ang mga vlog ni Andrew at dapat na suportahan gayung ito ang labis na nangangailangan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi napigilang mapa-react ni RR Enriquez sa umano'y naging bansag ni Cristy Fermin kay Andrew Schimmer na 'Pambansang Paawa.'

RR, napa-react sa umano'y bansag na 'Pambansang paawa' ni Cristy kay Andrew Schimmer
RR Enriquez (RR Enriquez Sawsawera Queen)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na isa umano ito sa sinawsawan ni RR sa kanyang pinakabagong vlog.

Aniya, sa halip na i-bash o husgahan pa si Andrew, mas dapat na ito'y hangaan dahil sa hindi matatawarang pagmamahal at pag-aaruga sa asawa nitong si Jorhomy Rovero.

Read also

Bernadette Sembrano sa pangangalakal na ginagawa ng mister; "I like doing it"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Di ba dapat pambansang asawa? Hindi lahat ng lalake kayang gampanan yung ginagawa ngayon ni Andrew Schimmer kaya naman palakpakan po natin siya"

Pinaalalahanan din ni RR ang publiko na hindi rin dapat na i-bash si Cristy sa naging komento niya umano gayung tagapaghatid lamang sila ng mga napapansin ng netizens.

"'Wag na nating i-bash si Nanay cristy. Kasi siya lang naman o sila lang naman tatlo ang tagahatid ng mga balita o komento ng iba't ibang mga netizen"

Aminado rin si RR na nakaramdam ng lungkot nang mapanood at makita ang pinagdaraanan ni Andrew at kanyang pamilya sa kalagayan ngayon ng kanyang asawa.

"And ako nung napanood ko yun, medyo na-sad ako na ganun yung tingin ng ibang mga tao kay andrew schimmer. Kasi alam niyo, hindi natin alam yung pinagdadananan ni Andrew especially in this difficult time of his life and ng asawa niya rin,"

Read also

RR Enriquez, naniniwala sa miracle; naikwento ang nangyari sa anak ni Jayjay Helterbrand

"Nakakahanga si Andrew Schimmer dahil nilunok niya yung pride niya na eto ako, 'eto kalagayan ng asawa ko, nangangailangan kami ng pinansyal. At least 'di ba hindi siya nagnakaw or hindi siya pumatay ng tao para lang makakuha ng pera. Nagpa-interview siya at gumawa siya ng vlog, walang masama don."

Gayunpaman, nabanggit din ni RR na hindi rin naman nalalayo ang pagba-vlog ni Andrew sa kanilang ginagawa sa kani-kanilang YouTube channel.

"Bakit po ako nagba-vlog? Wala po akong pinagkaiba sa ginawa ni Andrew Schimmer. Nagba-vlog po ako para kumita rin po ako ng pera. Hindi lang po ako ang gumagawa nito. Marami pong mga sikat na vlogger, sino? Si Ivana Alawi, Zeinab Harake, Toni Gonzaga sa Toni Talks. And itong si Nanay Cristy Fermin, 'yung show nila na Showbiz Now Na! 'Di ba sila kumikita ng pera rito para sa pagba-vlog na 'to?"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa kanyang YouTube channel na RR Enriquez Sawsawera Queen YouTube channel:

Read also

Kris Bernal, masayang natupad ang kanyang dream collab kay Alex Gonzaga

Si Andrew Schimmer ay isang aktor sa bansa na gumawa ng ingay kamakailan sa social media nang lakas-loob na humingi ng saklolo para sa pagpapagamot sa misis na nagkaroon ng asthma attack na agad namang sinundan ng brain hypoxia.

Kamakailan, ibinalik ang kanyang misis sa ospital na noon sana'y mananatili nalamang sa kanilang tahanan upang doon magpagaling. Nilagnat at nagsuka umano ito dahil sa pagtaas ng sodium level nito sa katawan.

Dito inabot na muli si Jho ng ika-isang taon nito sa kanyang kalagayan. Umaasa ang marami na patuloy na ang paggaling ni Jho dahil na rin sa kamangha-manghang pag-aalaga sa kanya ng mister at ng kanyang pamilya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel