Andrew Schimmer sa kalagayan ng misis; "she’s getting better each day"
- Muling nagbigay ng update si Andrew Schimmer sa kalagayan ng misis niyang si Jho Rovero
- Matatandaang malungkot na ibinalita kamakailan ni Andrew na comatose umano ang misis niya dahil sa 'swelling and bleeding' na nakita sa kanyang MRI
- Subalit ilang araw lamang ang nakalipas, ibinahagi naman ni Andrew na muling bumubuti ang lagay ng kanyang misis
- Ipinagpapasalamat pa rin ni Andrew ang suporta ng mga tao sa kinakaharap nilang pagsubok at hiling pa rin nito ang dasal para sa kanyang misis
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Muling nagbigay ng update ni Andrew Schimmer sa kalagayan ng kanyang misis na si Jho Rovero.
Nalaman ng KAMI na ibinahagi ni Andrew ang video kung saan makikita si Jho na ayon kay Andrew ay bumubuti na muli ang kalagayan.
"As you can see here on Her latest vid, she’s getting better each day. Wala na po yung kanyang pamamanas, bumababalik narin po dahan dahan ung kanyang self breathing..almost clear nadin po ang kanyang kidneys," pahayag ni Andrew sa kanyang post.
Subalit kahit na umaayos na ang lagay nito, nasa ICU pa rin si Jho kaya naman hiling pa rin ni Andrew ang patuloy na pagdarasal para sa kanyang misis.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"Kaya sana wag po kayong mapagod samahan po akong ipagdasal pa po sha," hiling ni Andrew.
Matatandaang nito lamang Oktubre 31, bisperas ng ika-isang taon ni Jho buhat nang ma-ospital, labis na naging emosyonal ni Andrew nang inalala ang mga pinagdaanan nila ng misis.
Right now she is still under the state of comatose, Hindi po humihinto sa pakikipaglaban ang kanyang katawan at kaluluwa,at hndi po nag gi-give up ang kanyang puso," emosyonal na ibinahagi ni Andrew. Bago ito, umiiyak niyang naikwento ang nakitang bleeding at swelling sa utak ni Jho base sa isinagawang MRI dito.
Si Andrew Schimmer ay isang aktor sa bansa na gumawa ng ingay kamakailan sa social media nang lakas-loob na humingi ng saklolo para sa pagpapagamot sa misis na nagkaroon ng asthma attack na agad namang sinundan ng brain hypoxia.
Kamakailan, ibinalik ang kanyang misis sa ospital na noon sana'y mananatili nalamang sa kanilang tahanan upang doon magpagaling. Nilagnat at nagsuka umano ito dahil sa pagtaas ng sodium level nito sa katawan.
Dito inabot na muli si Jho ng ika-isang taon nito sa kanyang kalagayan. Umaaasa ang marami na patuloy na ang paggaling ni Jho dahil na rin sa kamangha-manghang pag-aalaga sa kanya ng mister at ng kanyang pamilya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh