Heart Evangelista, sinagot ang nagsabing mukha syang butiki: "Buti ka pa effortless"

Heart Evangelista, sinagot ang nagsabing mukha syang butiki: "Buti ka pa effortless"

- Sinagot ni Heart Evangelista ang isang netizen na nagkomento sa kanyang post sa Instagram

- Sinabihan siya nito na mukha umanong butiki si Heart at sinagot siya ni Heart na ginusto talaga umano niya iyon

- Bwelta ni Heart, buti pa ang naturang netizen ay wala nang kailangan effort para magmukhang butiki

- Marami din sa mga netizens ang nakapansin sa pagpayat ni Heart na kamakailan ay sunod-sunod ang pinuntahang fashion event

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Bumwelta si Heart Evangelista sa isang netizen na nagsabing mukha daw siyang butiki. Sa kanyang Instagram post ay sinagot din ni Heart ang naturang netizen.

Heart Evangelista, sinagot ang nagsabing mukha na syang butiki: "Buti ka pa effortless"
Heart Evangelista, sinagot ang nagsabing mukha na syang butiki: "Buti ka pa effortless" (@iamhearte)
Source: Instagram

Ani Heart, sadya niyang magmukha siyang ganun. Dagdag pa niya, buti pa umano ang naturang netizen, effortless na magmukhang butiki.

Heart Evangelista, sinagot ang nagsabing mukha na syang butiki: "Buti ka pa effortless"
Heart Evangelista, sinagot ang nagsabing mukha na syang butiki: "Buti ka pa effortless" (@iamhearte)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

Heart Evangelista, na-stress umano dahil katabi niya si Yugyeom ng Got7

Marami din sa mga netizens ang nakapansin sa pagpayat ni Heart na kamakailan ay sunod-sunod ang pinuntahang fashion event. May mga nagtanggol sa kanya at nagsabing sinadya niyang magp[apayat dahil sa kanyang trabaho.

Ikinasal si Heart Evangelista sa dating senador na si Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015. Si Chiz ay may dalawang anak sa dati niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores. Bago ang Mother's Day 2018, ipinaalam ni Heart sa social media na siya ay buntis.

Matatandaang sa isang Instagram post ni Heart kung saan binahagi niya ang kanyang fashion style, bumuhos ang mga positibong komento. Marami ang napabilib sa talento at husay ni Heart pagdating sa kanyang pananamit. Gayunpaman, isang netizen ang nagkomento na nababaliw na daw ang aktres dahil wala itong anak. Hindi naman ito pinalampas ni Heart at hindi na nakasagot ang naturang basher matapos siyang kuyugin ng mga followers ni Heart.

Read also

Zeinab Harake, Donnalyn Bartolome at Jelai Andres, pumunta sa bahay ni Ivana Alawi

Binahagi ni Heart Evangelista na nag-iipon siya para sa binabalak niyang pagbili ng tirahan sa Paris. Dahil sa kanyang trabaho lalo na sa kanyang pagdalo sa fashion week kaya niya naisipang bumili ng kanyang sariling matitirhan. Aniya, kung bibilangin ay malaki din ang ginagastos niya para sa kanyang accommodation sa tuwing pumupunta siya sa Paris. Matatandaang maraming pagkakataon na rin na naiimbitahan si Heart sa iba't-ibang fashion events sa ibang bansa kabilang na sa sikat na sikat na Fashion Week.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel