Cristy Fermin, ipinagtanggol si Mariel sa mga nagsasabing sipsip ito kay Toni

Cristy Fermin, ipinagtanggol si Mariel sa mga nagsasabing sipsip ito kay Toni

- Ipinagtanggol ni Cristy Fermin si Mariel Rodriguez sa mga nagsasabing sipsip umano ito ngayon kay Toni Gonzaga

- Ito ay dahil si Mariel ang nasa pilot episode ng talk show ni Toni na mapapanood din sa ALLTV

- Subalit ayon kay Cristy, hindi na raw kailangan pang magsipsip ni Mariel kay Toni dahil sa malapit ito kay PBBM

- May ilang nagsasabi umano na gusto raw ni Mariel ng posisyon kaya nito nagagaang magsipsip kay Toni

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Dinipensahan ni Cristy Fermin si Mariel Rodriguez sa mga umano'y nagsasabing sumisipsip ito kay Toni Gonzaga.

Cristy Fermin, ipinagtanggol si Mariel sa mga nagsasabing sipsip ito kay Toni
Mariel Rodriguez at Toni Gonzaga (@celestinegonzaga)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na tila kaugnay ito ng pagiging guest ni Mariel sa pilot episode ng talk show ni Toni sa ALLTV.

"Sipsip daw ngayon si Mariel Rodriguez kay Toni dahil si Toni ay malapit kay PBBM," ang pagbabahagi ni Cristy sa komento ng mga netizens.

"Senador naman po si Senator Robin Padilla na asawa daw po ni Mariel Rodriguez," depensa ni Cristy.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sinegundahan naman ito ni Romel Chika na hindi lamang basta senador si Robin kundi numero unong senador.

Ayon din kay Romel Chika, ilan sa mga naging komento ng netizens kay Mariel ay ang todo puri nito kay Toni na natupad umano ang pangarap lamang dati na magkaroon ng sariling talk show sa sarili niyang studio.

Dagdag pa ni Cristy, bago muna husgahan si Mariel, alam sana ng publiko na matalik talagang magkaibigan sina Mariel at Toni.

Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag mula sa YouTube channel nilang Showbiz Now na!:

Si Cristy Fermin isa sa mga respetadong showbiz reporter sa Pilipinas. Sa loob ng ilang dekada, pinangunahan niya ang iba't ibang mga talk shows kung saan masasagap ang mga latest showbiz chika.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pamamayagpag sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene ng bansa sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez.

Kamakailan ay ibinahagi ni Cristy ang nasagap umano nila sa kanilang source patungkol sa pagapapagaling ni Kris Aquino na naibyahe na mula Houston, Texas patungong Los Angeles California kasma ang kanyang mga anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel