Jinkee Pacquiao, tila na-master na umano ang 'art of dedma' ayon kay Cristy Fermin

Jinkee Pacquiao, tila na-master na umano ang 'art of dedma' ayon kay Cristy Fermin

- Tila na-master na umano ni Jinkee Pacquiao ang 'art of dedma' ayon kay Cristy Fermin

- Naikumpara nila ito umano kay Toni Gonzaga na sa kabila ng patong-patong na intriga, pinili nitong manahimik

- Napan-usapan nila ito sa bagong episode ng 'Showbiz Now Na!' kung saan nabanggit nilang tila ayaw pakabog ni Jinkee

- Matapos nga umano ang eleksyon, balik muli sa pagsusuot ng bongga at nasa milyones na 'OOTD' ang misis ng dating boxing senator ng Pinas na si Manny Pacquiao

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa bagong episode ng Showbiz Now Na! nitong Oktubre 15, isa sa mga napag-usapan nina Cristy Fermin, Morly Alinio ar Romel Chika ay ang tungkol sa umano'y pagiging 'ayaw pakabog' ni Jinkee Pacquio.

Jinkee Pacquiao, tila na-master na umano ang 'art of dedma' ayon kay Cristy Fermin
Jinkee Pacquiao (@jinkeepacquiao)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na napansin pa umano ni Cristy Fermina na tila na-master na ni Jinkee ang 'art of dedma' sa pananahimik nito sa mga naibabatong puna sa kanya.

Read also

Baron Geisler, pinasalamatan ang mga pumuri sa kanya at tumangkilik sa 'Doll House'

"Alam mo ang tingin ko rito kay Jinkee Pacquiao ano, natutunan na rin niya ang 'art of dedma' parang Toni Gonzaga na rin," paghahalintulad pa ni Cristy dahil sa hindi pagbibigay ng mga ito ng komento sa mga nagiging pahayag sa kanila ng publiko.

Tulad na lamang umano ng naging outfit ni Jinkee nang sumama siya sa mister na si dating boxing senator Manny Pacquio nang manood sila ng laban ni Mayweather. Tumataginting na nasa Php6 million ang kabuuang halaga ng suot noon ni Jinkee.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Mula raw kasi nang matapos ang eleksyon, kung saan pansamantalang naging simple ang mga damitin ni Jinkee, balik na umano ito sa mga bonggang 'OOTD' o outfit of the day nito.

"'Di ba noong panahon ng eleksyon, nagbago siya ng kaunti dahil ayon sa batas, ang mga nagtatrabaho sa gobyerno, ay dapat maging isang magandang halimbawa ng pagiging payak ang buhay. Huminto siya sandali. Nang matalo si senator Manny Pacquiao, nagbalik na naman," ani ni Cristy.

Read also

KMJS, isiniwalat ang pagtulong ni Luis Manzano; "Maraming salamat Luis"

Subalit ayon din kay Jinkee, wala umanong masama sa ginagawa ni Jinkee gayung ang perang ginagamit nito sa kanyang mga pang-OOTD ay hindi ninakaw o ipinangutang bagkus pinaghirapan ito ng kanyang asawa.

"Ito si Jinkee e. Siya ito at saka itong pera na ito ay hindi naman niya hinihingi kahit kanino lalo' hindi naman po niya inutang. Ito po ay pinaghirapang salapi ng kanyang asawang pambansang kamao. Kaya kung anumang gusto niya, pinababayaan nalang siya ni Senator Manny," paliwanag ni Cristy.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa YouTube channel na 'Showbiz Now Na!'

Si Cristy Fermin isa sa mga respetadong showbiz reporter sa Pilipinas. Sa loob ng ilang dekada, pinangunahan niya ang iba't ibang mga talk shows kung saan masasagap ang mga latest showbiz chika.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pamamayagpag sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene ng bansa sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel