Kris Aquino, tapos na ang proseso ng gamutan ayon sa source ni Cristy Fermin

Kris Aquino, tapos na ang proseso ng gamutan ayon sa source ni Cristy Fermin

- Ibinahagi ni Cristy Fermin na tapos na umano ang proseso ng gamutan ni Kris Aquino ayon sa kanyang source

- Mula sa Houston, Texas kung saan ito nagpapagamot ay kasalukuyan na umano itong nasa Los Angeles, California

- Sinasabing doon na umano ito magpapagaling kasama rin ang kanyang mga anak na sina Josh at Bimby

- Ayon pa kay Cristy, sakaling totoo man ang balitang tapos na ang gamutan ni Kris, dapat lamang itong ikasiya ng lahat subalit sana'y mayroon din itong paliwanag

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa napag-usapan nina Cristy Fermin, Morly Alinio at Romel Chika sa pinakabagong episode ng Showbiz Now Na! ay ang kalagayan Kris Aquino na tapos na umano sa kanyang gamutan.

Kris Aquino, tapos na ang proseso ng gamutan ayon sa source ni Cristy Fermin
Cristy Fermin (Screengrab from Showbiz Now Na!)
Source: UGC

Ayon sa source ni Cristy, lumipad na si Kris mula Houston, Texas patungong Los Angeles, California.

Read also

Badjao Girl, nakumpirmang ligtas sa cancer sa tulong ni Karen Davila

Sinasabing doon na raw ito magpapagaling kasama ang kanyang mga anak na sina Josh at Bimby.

"At kinukumpirma po ng aming mga sources na nasa LA na po talaga si Kris Aquino. Doon na po muna sila titira ng kanyang mga anak na sina Josh at Bimby at doon na raw muna siya magpapagaling. So ibig sabihin, tapos na 'yung misyon at proseso sa Houston... Alangan namang magpabalik-balik pa siya from California to Texas," ani Cristy.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Noon kasi, sobra ang pagwo-worry at pag-aalala ng sambayanang Pilipino. 'Yung kanyang itsura, pagka-payat payat. Tapos kung ikwento pa niya 'yung kanyang sakit, padagdag nang padagdag... Kaya ang daming nagtataka ngayon. Bakit mula doon, nandito na ngayon sa LA. Parang ang bilis," dagdag pa niya.

"Kung sakali man po na siya ay nakaligtas na sa ipinag-aalala nating sakit, lahat tayo maligaya pero kailangan ng paliwanag," ayon pa kay Cristy.

Read also

Lalaking kumasa sa 'Laklak challenge' na may premyong Php20,000, nasawi

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa YouTube channel nilang Showbiz Now Na!:

Si Cristy Fermin isa sa mga respetadong showbiz reporter sa Pilipinas. Sa loob ng ilang dekada, pinangunahan niya ang iba't ibang mga talk shows kung saan masasagap ang mga latest showbiz chika.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pamamayagpag sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene ng bansa sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel