Dominique Cojuangco, pinabulaanan ang sinabi tungkol sa balitang buntis siya

Dominique Cojuangco, pinabulaanan ang sinabi tungkol sa balitang buntis siya

- Sinagot ni Dominique Cojuangco ang tanong sa kanya kaugnay sa umano'y napapabalitang nagdadalang-tao siya

- Sa kanyang naging pahayag, nilinaw niyang naging busy lang siya sa trabaho at hindi totoong magkaka-baby na siya

- Isang netizen ang nagtanong sa kanya dahil ayon umano kay Cristy Fermin sa kanyang YouTube video, sinabi nito na magiging lola na si Gretchen Barretto

- Nilinaw din ni Dominique na namumuhay ng pribado ang kanyang ina matapos nitong magdeactivate ng Instagram account niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Dominique Cojuangco, nagtatrabaho lang siya nang full time at hindi totoo ang nabanggit ni Cristy Fermin na magiging lola na ang kanyang inang si Gretchen Barretto. Dapat daw ay maghanap ng ibang mapagkaabalahan ang beteranang manunulat sa kanyang bakanteng oras.

Dominique Cojuangco, pinabulaanan ang sinabi ni Cristy Fermin na buntis siya
Dominique Cojuangco, pinabulaanan ang sinabi ni Cristy Fermin na buntis siya (@dominique)
Source: Instagram

Ayon sa netizen na nagtanong, ilang beses umanong nabanggit ni Fermin na magiging lola na si Gretchen.

Read also

Toni Fowler, nawala din ang Facebook page kagaya ng nangyari kina Ivana Alawi at Zeinab Harake

Dom, are you having a baby because at Cristy Fermin vlog she keeps mentioning that your Mum is grandmother soon?

Sagot naman ni Dominique, nagtatrabaho lang siya nang full time at hindi totoong magkaka-baby na siya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dominique Cojuangco, pinabulaanan ang sinabi ni Cristy Fermin na buntis siya
Dominique Cojuangco, pinabulaanan ang sinabi ni Cristy Fermin na buntis siya (@dominique)
Source: Instagram

Kinumpirma niya rin na pinipiling mamuhay ng pribado ng ina niang si Gretchen.

Dominique Cojuangco, pinabulaanan ang sinabi ni Cristy Fermin na buntis siya
Dominique Cojuangco, pinabulaanan ang sinabi ni Cristy Fermin na buntis siya (@dominique)
Source: Instagram

Si Dominique Cojuangco ang nag-iisang anak nina Gretchen Barretto at Tony Boy Cojuangco. Siya ay 26 anyos at kilalang fashion designer at model.

Matatandaang pinakita ni Dominique ang kanyang engagement ring sa pamamagitan ng isang Instagram post. Engaged na ang anak nina Gretchen Barretto at Tonyboy Cojuangco sa non-showbiz boyfriend nitong si Michael Hearn. Ibinahagi niya ang larawan kung saan nakaakbay siya sa negosyanteng boyfriend habang pinapakita ang kanyang singsing. Sa ikalawang larawan, makikita naman ang mga kamay nina Dominique at Michael at ang kanilang engagement ring.

Read also

Andrea Brillantes, sinabing edited ang post kung saan ni-like daw ni Ricci ang IG story ng isang babae

Matatandaang matapos ang kanyang pag-post ng sagot sa pahayag ni Sen. Bato dela Rosa sa isang ulat ng SMNI News, naka-private na ang Instagram account ni Gretchen Barretto. Sa kanyang huling post ay rumesbak si Gretchen kay dela Rosa matapos sagutin ng mambabatas ang mga akusasyon ng dating aktres. Naghamon pa ang dating aktres na willing siyang maglabas ng ebidensiya kaugnay sa kanyang akusasyon. Ayon pa kay Dela Rosa, "character assassination" ang ginawa ni Gretchen laban sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel