Anak ni Gretchen na si Dominique Cojuanco, engaged na sa kanyang boyfriend

Anak ni Gretchen na si Dominique Cojuanco, engaged na sa kanyang boyfriend

- Ipinakita ni Dominique Cojuangco ang kanyang engagement ring sa pamamagitan ng isang Instagram post

- Engaged na ang anak nina Gretchen Barretto at Tonyboy Cojuangco sa non-showbiz boyfriend nitong si Michael Hearn

- Ibinahagi niya ang larawan kung saan nakaakbay siya sa negosyanteng boyfriend habang pinapakita ang kanyang singsing

- Sa ikalawang larawan, makikita naman ang mga kamay nina Dominique at Michael at ang kanilang engagement ring

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Masayang binahagi ng unica Hija nina Gretchen Barretto at Tonyboy Cojuangco na si Dominique Cojuangco ang tungkol sa kanyang engagement sa non-showbiz boyfriend nitong si Michael Hearn.

Anak ni Gretchen na si Dominique Cojuanco, engaged na sa kanyang boyfriend
Dominique Cojuanco (@dominique)
Source: Instagram

Sa isang Instagram post ay binahagi ni Dominique ang dalawang litrato kung saan nakikitang nakaakbay siya sa negosyanteng boyfriend habang pinapakita ang kanyang singsing at sa ikalawang larawan, makikita naman ang mga kamay nina Dominique at Michael at ang kanilang engagement ring.

Read also

Jeric Raval, naalibadbaran sa suot niyang bra, stiletto at leggings sa bagong pelikula

Matatandaang taong 2019 nang unang napabalita ang tungkol sa kanilang relasyon ngunit hindi sila gaanong nagbabahagi ng mga detalye sa social media.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bumuhos ang pagbati mula sa mga celebrities kagaya nina Laureen Uy, Maureen Wroblewitz, Liz Uy, Isabelle daza, at maging ang kanyang tiyahing si Claudine Barretto.

Maging ang kanyang boyfriend ay isinapubliko din ang tungkol sa kanilang engagement.

On to the next chapter with @dominique

Si Dominique Cojuangco ang nag-iisang anak nina Gretchen Barretto at Tony Boy Cojuangco. Siya ay 26 anyos at kilalang fashion designer at model.

Ang kanyang inang si Gretchen ay sumikat sa mundo ng showbiz at kapatid nina Claudine at Marjorie Barretto. Bukod sa pag-arte ay isa ring recording artist noon si Gretchen.

Pang-lima siya sa pitong mga anak nina Miguel Alvir Barretto at Estrella Castelo Barretto. Mayroong isang anak ang aktres sa kanyang partner na businessman, si Antonio "Tony Boy" Cojuangco Jr.

Read also

Alwyn Uytingco, pinasalamatan si Jennica Garcia hindi umano ito nag-give up sa kanya

Matatandaang lumikha rin ng ingay ang unang pagkakataong namataan si Gretchen sa sabungan.

Samantala, ibinida ni Ellen Adarna ang pinadalang Pasko box ni Gretchen sa kanila.

Nais ipaalala ng KAMI na anumang mapanirang komento ay maaring makapahamak. Ang karapatan sa malayang pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay hindi nangangahulugang malaya tayong magbitiw ng mga masasakit at mapanirang mga salita dahil maari itong panagutan sa batas. Laging isaisip, "Think before you click."

Source: Kami.com.ph

Online view pixel