Toni Fowler, nawala din ang Facebook page kagaya ng nangyari kina Ivana Alawi at Zeinab Harake

Toni Fowler, nawala din ang Facebook page kagaya ng nangyari kina Ivana Alawi at Zeinab Harake

- Naibahagi ni Toni Fowler na marami siyang napo-post sa kanyang personal na Facebook account kahit hindi niya umano ito gawain noon

- Nawala din kasi ang Facebook page niya at nitong Hulyo ay naibahagi niya sa isang tweet ang tungkol dito

- Muli niyang nabanggit ang tungkol sa pagkawala ng Facebook page niya matapos ihayag ni Ivana Alawi ang tungkol sa nangyari sa Facebook page nila ni Zeinab Harake

- Dalawang beses na umanong nawala ang kanyang FB page na malaking bagay pagdating sa kanyang hanapbuhay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Toni Fowler, nawala din ang kanyang Facebook page kaya kinailangan niyang magpost na lamang sa kanyang personal Facebook account. Sa isang tweet noong Hunyo ay nabanggit niyang dalawang beses na umanong nawala ang kanyang FB page na malaking bagay pagdating sa kanyang hanapbuhay.

Read also

Andrea Brillantes, sinabing edited ang post kung saan ni-like daw ni Ricci ang IG story ng isang babae

Toni Fowler, nawala din ang Facebook page kagaya ng nangyari kina Ivana Alawi at Zeinab Harake
Toni Fowler, nawala din ang Facebook page kagaya ng nangyari kina Ivana Alawi at Zeinab Harake (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Muli niyang nabanggit ang tungkol sa pagkawala ng Facebook page niya matapos ihayag ni Ivana Alawi ang tungkol sa nangyari sa Facebook page nila ni Zeinab Harake.

Kagaya ng nangyari kina Ivana at Zeinab, wala umanong warning o notification na nareport ang mga page niyang nawala.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Read also

Andrea Brillantes, mayabang ang first impression kay Ricci Rivero

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel