Herlene Budol, hindi nagpatinag sa bagyo; tuloy ang pagtatrabaho
- Ayon kay Herlene Nicole Budol, walang makakapigil sa kanya na magtrabaho kahit pa ang signal no. 3 na bagyo
- Sa kanyang Instagram post, makikita ang beauty queen/comedienne na nagbubuhat ng kahon ng aircon
- Tatlong unit umano ito ng aircon na binigay sa kanya ng isang sponsor na kanya ding pinasalamatan
- Aniya, hindi na maiinitan ang kanyang pinakamamahal na Tatay Oreng, ang kinalakihan niyang lolo
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Sa post ni Herlene Nicole Budol ay makikita ang kanyang pagbubuhat ng kahon. Aniya, walang makakapigil sa kanya na magtrabaho kahit pa ang signal no. 3 na bagyo.
Ayon kay Herlene, tatlong unit umano ito ng split type na aircon na binigay sa kanya ng isang sponsor na kanya ding pinasalamatan. Masaya siyang hindi na maiinitan ang kanyang pinakamamahal na Tatay Oreng, ang kinalakihan niyang lolo.
Kht Signal number 3 walang pipigil kay Hipon Girl mag trabaho, tawag dto ay Blessings. Salamat sa malupitan blessings at Sponsor ng tatlong unit na Split type Aircon para sa bago kong bahay @graceelectronicsph. Salamat Mam @Grace Sy Cristobal. Salamat din kay Direk @edrexclyde at @sirwil75 sa paggiging tulay upang makilala kay Mam Grace! Sa GRACE AIRCON indi na maiinitan si Tatay Oreng ko. Thank you lord sa lahat ng blessings ibinibigay mo sa akin.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Si Herlene "Hipon" Budol ay unang nakilala sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa sa harap ng kamera. Kamakailan ay sumali siya sa Binibining Pilipinas kung saan naging first runner up siya.
Pinalakpakan si Herlene sa kanyang sagot sa Binibining Pilipinas Question and answer portion. Makikita din sa audience ang kanyang manager na hindi maitago ang kaba habang naghihintay ng sagot ng kanyang alaga. Sinalin naman sa wikang Tagalog ng huradong si Cecelio Asuncion ang kanyang tanong kay Herlene. Naghiyawan ang mga fans ni Herlene nang matagumpay nitong nasagot ang tanong sa kanya.
Ayon kay Herlene, gagawa siya ng sarili niyang kasaysayan para sa susunod na henerasyon. Para umano ito sa mga kabataang babae na may pangarap lumaban sa malalaking patimpalak at maging beauty queen. Muli niyang sinabi na hindi kamangmangan ang hindi pagsasalita ng wikang Ingles at nag-udyok din siya na pagyamanin ang Wikang Filipino. Matatandaang tanging si Herlene ang sumagot sa Q&A ng Binibining Pilipinas gamit ang wikang Filipino.
Source: KAMI.com.gh