Pokwang, pinasilip ang pag-aasikaso ni Lee O'Brian sa anak nilang si Malia

Pokwang, pinasilip ang pag-aasikaso ni Lee O'Brian sa anak nilang si Malia

- Binahagi ni Pokwang sa Instagram ang video ng mag-amang Lee O'Brian at Francine Malia O'Brian

- Aniya, habang nasa lockin taping siya ay si Lee muna ang bahala sa anak nilang si Malia

- Sa kabila ng kanilang paghihiwalay noong nakaraang taon, nauna nang nabanggit ni Pokwang na maayos ang kanilang set-up pagdating sa kanilang pagco-co-parenting

- Hindi naman maiwasan ng ilang netizens na humirit na sana ay magkabalikan silang dalawa lalo at nagkakasundo naman sila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinakita ni Pokwang sa kanyang Instagram post kung paano alagaan ni Lee O'Brian ang anak nilang si Francine Malia O'Brian habang nasa lockin taping si Pokwang. Nauna na rin nabanggit na si Lee ang nag-aalaga sa anak kapag nasa trabaho siya.

Pokwang, pinasilip ang pag-aasikaso ni Lee O'Brian sa anak nilang si Malia
Pokwang, pinasilip ang pag-aasikaso ni Lee O'Brian sa anak nilang si Malia (@itspokwang27)
Source: Instagram

Nabanggit ni Pokwang na maayos ang kanilang relasyon bilang magkaibigan at pagdating sa pagiging magulang ni Malia. Hindi naman maiwasan ng ilang netizens na humirit na sana ay magkabalikan silang dalawa lalo at nagkakasundo naman sila.

Read also

Jessy Mendiola, nabahala para sa kanyang baby matapos siyang magpositibo sa COVID

Si Pokwang o Marietta Subong o sa totoong buhay ay kilala bilang isang komedyante, TV host at performer. Naging bahagi siya ng ilang palabas kagaya ng Wowowee, Pilipinas Win na Win at Happy Yipee Yehey kung saan siya ay isa sa mga naging host. Ipinanganak niya si Francine Malia O'Brian sa Antipolo City noong January 18, 2018. Siya ang naging bunga ng pagmamahalan nila ng Amerikanong si Lee O'Brian.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang kinumpirma ng malapit na kaibigan ni Pokwang na si Ogie Diaz ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Lee. Matagal na niya umanong alam ang tungkol dito ngunit bilang respeto kay Pokwang ay hindi niya ito nababanggit sa kanyang Showbiz Update. Gayunpaman, dahil lumabas na rin ang balita ay minabuti niyang linawin ang balita para hindi na rin umano magsanga-sanga ang isyu. November pa noong nakaraang taon umano nagkahiwalay ang dalawa at kasalukuyang nakatira sa bukod na bahay si Lee.

Nag-post si Lee ng picture ng kanyang anak na si Malia O'Brian sa gitna ng paglabas ng balita tungkol sa paghihiwalay nila ni Pokwang. Tinawag niyang angel ang kanyang anak na si Malia na kanyang pinasalamatan sa umano'y pagpapangiti nito sa kanya. Sa kabila ng kanilang paghihiwalay ay tuloy na nagbabahagi si Lee ng mga pictures nilang mag-ama na tumutugma sa pahayag ni Pokwang na nakakapunta si Lee sa kanila upang makasama ang anak. Nauna na ring nilinaw ni Pokwang na walang third party na sangkot sa kanilang desisyon na maghiwalay.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel